Noli Me Tangere/Tauhan

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Ito ang mga litaw o pangunahing tauhan ng Noli Me Tangere.

Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin[baguhin]

Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias[baguhin]

Matalik na kaibigan ni Crisostomo Ibarra; matipunong piloto at magsasaka

Don Pedro Eibarramendia[baguhin]

Ang matandang unang pumunta sa San Diego. Lolo ng tatay ng tatay ni Crisostomo Ibarra.

Kapitan Tiyago[baguhin]

Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Naging kaibigan ni Crisostomo Ibarra sa simula ng nobela.

Padre Damaso[baguhin]

Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.

Padre Salvi[baguhin]

Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangin kay Maria Clara.

Maria Clara[baguhin]

Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo Tasyo[baguhin]

Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Isa sa mga makabayang Pilipino ng San Diego.

Sisa[baguhin]

Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at Crispin[baguhin]

Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Alperes[baguhin]

Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina[baguhin]

Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Donya Consolacion[baguhin]

Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali

Don Tiburcio de Espadaña[baguhin]

Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares[baguhin]

Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo[baguhin]

Tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan[baguhin]

Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas[baguhin]

Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno[baguhin]

Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel[baguhin]

Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba[baguhin]

Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Inday, Sinang, Victoria, at Andeng[baguhin]

Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral[baguhin]

Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra[baguhin]

Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe. Poke ng ina mo Padre Damaso

Don Saturnino[baguhin]

Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Mang Pablo[baguhin]

Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias

Kapitan Basilio[baguhin]

Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng Santo Tomas..

Tenyente Guevarra[baguhin]

Isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria[baguhin]

Tanginang babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla[baguhin]

Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino[baguhin]

Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

thanks for reading add me on facebook. https://www.facebook.com/noah.james15