Noli Me Tangere/Kabanata 52
←Kabanata 51: Mga Palitan at Pagbabago ←Paliwanag |
Kabanata 52: Baraha ng mga Patay at ang mga Anino Paliwanag |
Kabanata 53: Makikilala sa Umaga ang Isang Magandang Araw→ Paliwanag→ |
Teksto
Baraha ng mga Patay at ang mga Anino |
Ang Sulat ng̃ mg̃a Patay at ang mg̃a Anino Itinatagò ang buwan ng̃ madilím na lang̃it; wináwalis ng̃ malamig na hang̃ing palatandâan ng̃ pagdating ng̃ Diciembre ang iláng dahong tuyô at ang alabóc sa makipot na landas na patung̃ó sa libing̃an. Nagsasalitaan ng̃ marahan ang tatlóng anino sa ilalim ng̃ pintuan. —¿Kinausap mo ba si Elías?—ang tanóng ng̃ isáng tinig. —Hindî, nalalaman mo ng̃ siyá'y may ugaling cacaibá at maing̃at; ng̃uni't inaacalà cong siyá'y cacampí natin; iniligtás ni don Crisóstomo ang canyáng buhay. —Caya acó pumayag,—anáng unang tinig;—¡ipinagágamot ni don Crisóstomo ang aking asawa sa bahay ng̃ isáng médico sa Maynilà! Acó ang nacacaalam ng̃ convento upang makipagliwanag sa cura ng̃ aming pautang̃an. —At camí naman ang nacacaalam ng̃ cuartel, at ng̃ masabi namin sa mg̃a civil na may mg̃a anác na lalaki ang aming amá. —¿Maguiguing ilán caya cayó? —Limá, cainaman na ang limá. Maguiguing dalawampo raw cami,—anáng alilà ni don Crisóstomo. —At ¿cung hindi lumabás cayóng magalíng? —¡Sttt!—anáng isá, at hindi na umimic ang lahát. Namamasid sa nag-aagaw ng̃ dilim at liwanag ang pagdating ng̃ isáng anino na marahang lumalacad na ang bacod ang siyáng tinútunton; manacánacang humíhintô na para mandíng lumíling̃on. At may dahil ng̃a namán. Sa dacong hulihán, na may dalawampong hacbang ang puwang, may sumusunod na isá pang anino, lalong malakí at tila mandín lalò pang anino cay sa náuna: totoong napacarahan ang pagyapac sa lupà, at biglang nawawalâ, na anaki'y linalamon ng̃ lupa, cailán mang humíhinto't lumiling̃on ang náuuna. —¡Sinusundan acó!—ang ibinulóng ng̃ náuunang anino; ¿ang guardia civil caya? ¿nagsinung̃alíng caya ang sacristan mayor? —Ang sabi'y dito raw magtátatagpô,—ang iniisip ng̃ icalawáng anino; marahil may masamáng inaacalà caya inililihim sa akin ng̃ dalawáng magcapatid. Sa cawacasa'y dumating ang nang̃ung̃unang anino sa pintùan ng̃ libing̃an. Lumapit ang tatlóng aninong nang̃auna. —¿Silá po bagá? —¿Cayó po ba? —¡Tayo'y maghiwahiwalay, sa pagca't sinúsundan acó nilá! Tátanggapin ninyó bucas ang mg̃a sandata at pagcágabi gágawin. Ang hiyáw ay: «¡Mabuhay si don Crisóstomo!» ¡Lacad na cayó! Nawalâ ang tatlóng anino sa licuran ng̃ mg̃a pader. Nagtagò ang bagong dating sa pag-itan ng̃ pintô at naghintáy na hindi umiimic. —¡Tingnan natin cung sino ang sumúsunod sa akin!—ang ibinulóng. Dumating ang pang̃alawáng anino na nag-iing̃at ng̃ mainam at humintóng parang nagtiting̃inting̃in sa paliguid niyá. —¡Nahuli acó ng̃ pagdating!—ang marahang sinabi; ng̃uni't baca caya mang̃agbalic. At sa pagcá't nagpasimulâ ng̃ pag ambóng nagbabalang tumagál, inisíp niyang sumilong sa ilalim ng̃ pintùan. At alinsunod sa dapat mangyari'y nabuglàan niyá ang isáng anino. —¡Ah! ¿sino pô cayó?—ang itinanóng ng̃ bagong dating na ang tinig ay sa matapang na lalakl. —At ¿sino pô ba naman cayô?—ang isinagót ng̃ isá ng̃ boong capanatagan. Sandalíng hindi nang̃agsiimic; pinagpipilitan ng̃ isá't isáng makilala ang canyáng caharáp sa pamamag-itan ng̃ anyô ng̃ tinig at sa pagmumukháng naaaninagnagan. —¿Anô po ba ang hinihintay ninyó rito?—ang tanóng ng̃ may tinig na pagca lalaki. —Na tumugtóg ang á las ocho upang aking macuha ang baraja ng̃ mg̃a patay, ibig cong manalo ng̃ayong gabí ng̃ salapi,—ang sagót ng̃ isá na ang tinig ay caraniwan; at cayó namân, ¿anó't cayó po'y naparito? —Sa ... gayóng ding dahil. —¡Abá! ikinatutuwa co; sa ganyá'y hindi acó mag-iisá. May dalá acóng baraja; pagcaring̃ig co ng̃ unang tugtóg ay maglálagay acó sa canilá ng̃ aldur; sa icalawáng tugtóg ay maglálagay namán acó ng̃ gallo; ang mg̃a barajang gumagaláw ay iyán ang mg̃a baraja ng̃ mg̃a patáy, na kinacailang̃ang agawin sa pamamag-itan ng̃ pananagâ. ¿May dalá rin po ba cayóng baraja? —¡Wala! —¿At paano? —Magaang; cung paano ang paglalagáy ninyó sa canilá ng̃ bangcâ; hinihintay cong silá namán ang maglálagay ng̃ bangcâ sa akin. —¿At cung hindi maglagáy ng̃ bangcâ ang mg̃a patáy? —¿Anó ang gagawin? Hindi pa ipinag-uutos na sapilitang magsúsugal ang mg̃a patáy.... Sandalíng hindi silá nag-imican. —¿Cayó po ba'y naparitong may sandata? ¿Paano ang inyóng gágawing pakikiaway sa mg̃a patáy? —Sa pamamag-itan ng̃ aking mg̃a suntóc,—ang isinagót ng̃ pinacamalaki sa canilá. —¡Ah, diablo, ng̃ayón co naalaala! hindi tumátayâ ang mg̃a patáy pagca may higuít sa isá ang bilang ng̃ mg̃a buháy, at tayo'y dalawá. —¿Siyá ng̃a po ba? ng̃uni't áayaw acóng umalís. —Acó ma'y gayón din, nang̃ang̃ailang̃an acó ng̃ salapi,—ang isinagót ng̃ pinacamaliit; ng̃uni't gawín natin ang isáng bagay: magsugál tayong dalawá, at ang matalo'y siyáng umalís. —Halá ...—ang isinagót ng̃ isá na may cauntíng samâ ang loob. Pumasoc silá't humanap sa gayóng nag-aagaw ng̃ dilim at liwanag ng̃ isáng lugar na lalong nauucol; hindi nalao't nacásumpong silá ng̃ isáng baunang bató at doon silá naupô. Kinuha ng̃ pinacapandác sa canyáng salacót ang baraja, at nagpaning̃as namán ang isá ng̃ fósforo. Sa ilaw ay nagting̃inan ang isá't isa, datapuwa't ayon sa pag-aanyô ng̃ canícaniláng mukha'y hindi nang̃agcacakilalanan. Ng̃uni't gayón man, sa pinacamataás at tinig macalalaki ay makikilala natin si Elías, at sa pinacamaliit ay si Lucas, dahil sa pílat niyá sa pisng̃í. —¡Alsahín po ninyó!—ang winica nitó, na hindi náliling̃at ng̃ pagmamasíd sa caharáp. Itinabí ang iláng butóng nakita sa ibabaw ng̃ libing̃ang bató't saca nag-andar ng̃ isáng alás at isáng cabayo. Pinagsunodsunód ni Elías ang pagpapaning̃as ng̃ fósforo. —¡Sa cabayo!—anyá,—at ng̃ magcatanda'y nilagyán ng̃ isáng bung̃ô ng̃ tadyáng. —¡Juego!—aní Lucas,—at sa icaapat ó icalimang carta ay lumabás ang isáng alás. —Natalo cayó,—ang idinugtóng;—ng̃ayó'y pabayaan po ninyóng acó'y mag-isáng humanap ng̃ pagcabúhay. Umalís si Elías na hindi nagsabi ng̃ catagâ man lamang, at nawala sa guitna ng̃ cadilimán. Nang macaraan ang ilang minuto'y tumugtóg ang á las ocho sa relós ng̃ simbahan, at ipinahayag ng̃ campana ang oras ng̃ mg̃a caluluwa; ng̃uni't hindi inanyayahan ni Lucas makipagsugál sa canyá ang sino man, hindi tinawagan ang mg̃a patáy, na gaya ng̃ iniaatas ng̃ pamahiin; ang guinawá'y nagpugay at bumulóng ng̃ ilang panalang̃in, nagcruz ng̃ boong cataimtimang tulad sa marahil guinágawa rin sa sandaling iyón ng̃ puno ng̃ Cofradía ng̃ Santísimo Rosario. Nagpatuloy ang pag-ambón sa boong magdamág. Pagca á las nueve ng̃ gabi'y madilím na ang mg̃a daan at wala ng̃ taong lumalacad; ang mg̃a farol ng̃ lang̃is na dapat ibitin ng̃ bawa't namamayan sa tapat ng̃ canilang bahay, bahagya ng̃ nacaliliwanag sa pabilóg na isáng metro ang luwang: tila mandin inilagáy ang mg̃a ilaw na iyó't upang makita ang carilimán. Naglálacad ng̃ paroo't parito sa magcabicabilang dulo ng̃ daang malapit sa simbahan ang dalawáng guardia civil. —¡Maguináw!—ang sabi ng̃ isá sa wicang tagalog na may puntóng bisayà; hindi tayo macahuli ng̃ isá man lamang sacristan, waláng gágawa ng̃ casiraan ng̃ culung̃án ng̃ manóc ng̃ alferez ... Nang̃adalà dahil sa pagcápatay doon sa isá; nacayáyamot sa akin itó. —At sa akin,—ang isinagót ng̃ isá;—sino ma'y waláng nagnanacaw; datapuwa't salamat sa Dios at ang sabiha'y na sa bayan daw si Elías. Ang sabi ng̃ alferez ay ang macahuli raw sa canyá'y máliligtas sa palò sa loob ng̃ tatlóng buwán. —¡Aa! Nasasaulo mo ba ang canyáng mg̃a señas?—ang tanóng ng̃ bisaya. —¡Mangyari bagá! ang taás ay matangcád ayon sa alferez, catatagán ayon sa cay padre Dámaso; maiitím ang mg̃a matá, catatagán ang ilóng, catatagán ang bibíg, waláng balbás, maitim ang buhóc.... —¡Aa! ¿at ang mg̃a tang̃ing señas? —Maitím ang barò, maitím ang salawal, máng̃ang̃ahoy.... —¡Aa! hindi macatatacas, tila nakikinikinita co na siyá. —Hindi co siyá pagcacamal-an sa ibá, cahi't macatulad niyá. At ipinagpatuloy ng̃ dalawáng sundalo ang caniláng pag-ronda. Mulíng natatanawan na namán natin sa liwanag ng̃ mg̃a farol ang dalawáng aninong nagcacasunod na lumalacad ng̃ boong pag-iing̃at. Isáng mabalasic na ¿quién vive? ang siyáng nagpahintô sa dalawá, at sumagót ang nauna ng̃ ¡España! na nang̃ang̃atal ang tinig. Kinaladcád siyá ng̃ mg̃a sundalo at siyá'y dinalá sa farol upáng siyá'y kilalanin. Siyá'y si Lucas, ng̃uni't nang̃ag-aalinlang̃an ang mg̃a sundalo at nang̃agtatanung̃an sa ting̃inan. —¡Hindi sinasabi ng̃ alferez na may pilat!—anáng bisayà sa sabing marahan.—¿Saán ca paroroon? —Magdádala acó ng̃ pamisa upang gawín bucas. —¿Hindi mo ba nakikita si Elías? —¡Hindi co po siyá nakikilala, guinoó!—ang sagót ni Lucas. —¡Hindi co itinátanóng sa iyo cung siyá'y nakikilala mo, ¡tang̃a! cami ma'y hindi namin siyá nakikilala; itinátanóng co sa iyó cung siyá'y nakita mo! —Hindi pô, guinoo. —Pakinggán mong magalíng, sasabihin co sa iyó ang canyáng mg̃a señas. Ang taás ay cung minsa'y matangcád, cung minsa'y catatagán; ang buhóc at ang mg̃a matá'y maiitim; at ang lahát ng̃ mg̃a ibá pa'y pawang mg̃a catatagán,—anáng bisayà.—¿Nakikilala mo na siyá ng̃ayón? —¡Hindi po, guinoó!—ang isinagót ni Lucas na natútulig. —¡Cung gayó'y ¡sulong! hayop, burro!—At ipinagtulacan siyá nilá. —¿Nalalaman mo ba cung bakin ang acala ng̃ alferez ay matangcád si Elías at ang acalà naman ng̃ cura'y catatagán lamang ang taás?—ang itinanóng na nag iisip-isip ng̃ tagalog sa bisayà. —Hindi. —Sa pagcá't nacabaón sa pusáw ang alférez ng̃ siyá'y mámatyagan, at ang cura namá'y nacatayô. —¡Siyá ng̃â!—ang bigláng sinabi ng̃ bisaya; mainam ang pag-iisip mo ... ¿bakit ca nagguardia civil? —Hindi capagcaraca'y guardia civil acó; acó'y dating contrabandista,—ang isinagót ng̃ tagalog na nagpapahang̃a. Ng̃uni't silá'y linibáng ng̃ isá pang anino: sinigawán nilá itó ng̃ ¿quién vive? at bago dinalá nilá sa ilaw. Ng̃ayó'y si Elías na ng̃â ang siyáng sa canilá'y humaharap. —¿Saán ca paroroon? —Akin pong hinahabol, guinoó, ang isáng taong humampás at nagbalà sa aking capatíd na lalaki; ang taong iyó'y may pílat sa mukhá't nagng̃ang̃alang Elías ... —¿Há?—ang bigláng sinabi ng̃ dalawá at nang̃agting̃inang nagsisipanghilacbót. At pagdaca'y nang̃agtacbuhang ang tung̃o'y sa simbahang sasandali pa lamang na pinaroonan ni Lucas. |
Teksto (Baybayin)
Ito ay nakasulat sa Baybayin. Kapag wala kang makita o puro kahon lamang, maaaring hindi naka-install ang font para sa Baybayin. Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang Wikibooks:Baybayin. |
Iba pang pamagat
Latin
- Ang mga Tao sa Libingan
- Baraha ng mga Patay
- Baraha ng mga Patay at Anino
- Ang Baraha ng mga Patay at mga Anino
Baybayin
Talababaan
|
|