Noli Me Tangere/Kabanata 28 : Sulatan

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Buod[baguhin]

Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walang makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila. Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong disperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at mga makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De los Santos upang kunin si Padre Salvi at Padre Damaso Verdolagas.Alas onse ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista. Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda. Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito’y dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari JP, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang konsul. Samantala, Tumanggap din ng liham si Ibarra na dinala ni Andeng. Anang liham:

Arnie,

Ilang araw na nang hindi tayo nagkita. Ikaw daw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.

Ipaabot mo sa akin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya kaysa sa iyong katulong.

Fatima


Habol:

Dalawin mo ako bukas; kung hindi ay hindi ako dadalo sa paglalagay ng unang bato ng paaralan. Paalam.

Talasalitaan[baguhin]

  1. Nanonood ng komedya - dulang katatawanan
  2. Masilayan siya - makita
  3. Mamatnugot - mamamahala

Maganda- Pangit

Pagsusuri[baguhin]

Mapansin ang isa pang kakayahan ng may-akda - ang pagsulat. Ginamit ang paglathala bilang katunayan ng kanyang kahusayan sa larangang ito. Ang labis na paggastos at pagsasaya ay higit na mahalaga kaysa sa pagsikaso sa kapakanan ng mga nangangailangan.