Tagalog/Panghalip: Pagkakaiba sa mga binago
< Tagalog
Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag) m nag-alis ng bandalismo |
|||
Linya 53: | Linya 53: | ||
|- |
|- |
||
| <center> |
| <center>Malapit sa kausap</center> |
||
| <center>iyan</center> |
| <center>iyan</center> |
||
| <center>niyan</center> |
| <center>niyan</center> |
||
Linya 152: | Linya 152: | ||
====Panaguri ng Pangungusap==== |
|||
bobo ka |
|||
::Halimbawa: |
|||
::::Ang pera ay '''''kanya'''''. |
|||
::::Ang bola ay '''''kanila'''''. |
|||
====Panuring Pangngalan==== |
====Panuring Pangngalan==== |
Pagbabago mula noong 11:09, 13 Nobyembre 2008
Ang Panghalip ay ang salitang panghahalili o pamalit sa pangngalan. Ito ay tinatawag na Pronoun sa wikang Ingles.
Uri ng Panghalip
Panao
Ito ay ginagamit na panghalili sa pangalan ng tao.
Kung saan ang:
- Unang Panauhan — tumutukoy sa tagapagsalita.
- Ikalawang Panauhan — tumutukoy sa kinakausap.
- Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan.
Pamatlig
Ito ay ginagamit sa pagtukoy ng tao, bagay o lunan
Pananong
Ito ay ang panghalip na ginagamit sa pagtatanong.
- ano, alin, sino, saan, anu-ano, sinu-sino
Panaklaw
Ito ay nagsasaad ng dami o kalahatan.
- anuman, kaninuman, lahat, bawat-isa, alinman, sinuman, pulos, madla, iba
Kaukulang Panghalip
Palagyo
Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno.
- Halimbawa:
- Ako ang magluluto.
- Ikaw ang magluluto.
- Siya ang magluluto.
- Halimbawa:
Paari
Ito ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay. Ito ay pauna (kung nauna sa inaari) o pahuli (huli sa inaari).
Unang Panauhan | akin, ko, amin, atin, naming, natin |
Ikalawang Panauhan | mo, iyo, ninyo, inyo |
Ikatlong Panauhan | niya, kaniya, nila, kanila |
- Halimbawa:
- (Pauna) Ang inyong damit ay nalabhan na.
- (Pahuli) Ang damit mo ay nalabhan na.
- Halimbawa:
Palayon
Ito ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak.
- Halimbawa:
- Si Jenny ay nakasakay ko.
- Tinapon nila ang basura.
- Halimbawa:
Mga Gamit ng Panghalip
Simuno o Paksa ng pangungusap
- Halimbawa:
- Ikaw ay magaling.
- Ang mga damit na ito ay para sa iyo.
- Halimbawa:
Panaguri ng Pangungusap
- Halimbawa:
- Ang pera ay kanya.
- Ang bola ay kanila.
- Halimbawa:
Panuring Pangngalan
- Halimbawa:
- Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda.
- Halimbawa:
Ginagamit bilang Pantawag
- Halimbawa:
- Ikaw, umalis ka na.
- Kayo, hindi ba kayo sasama?
- Halimbawa:
Bilang Kaganapang Pansimuno
- Halimbawa:
- Tayo ay kakain na.
- Iyan ang gagawin mo.
- Halimbawa:
Bilang Layon ng Pang-ukol
- Halimbawa:
- Nagluluto si Diane para sa inyo.
- Para sa kanila ito.
- Halimbawa:
Tagaganap ng Pandiwa sa Balintiyak na Ayos
- Halimbawa:
- Inabutan niya sila ng pagkain.
- Ang relo na binili mo ay maganda.
- Halimbawa: