Pumunta sa nilalaman

Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa lagnat

Mula Wikibooks

Paggamot ng Tubig

[baguhin]
  • Pagkalooban ang pasyente ng punas-na-paligo Kung ang lagnat ay mataas at ang mga braso at mga paa ay malamig, pagkalooban ang pasyente ng mainit na punas-na-paligo, at malamig naman kung balat ay tuyo at mainit. Kung karaniwan ang init ng balat, gumamit ng maligamgam na tubig. Ulitin ito ng 3 beses o higit pa, kung kailangan, sa loob ng isang araw. (Paraan)
  • Panatilihing nakahiga ang may karamdaman at may patuloy na malamig na pomento sa noo. (Paraan)
  • Mainit na paligo sa paa. Kung ang lagnat ay bunga ng trangkaso, pagkalooban ang pasyente ng mainit na paligo sa paa sa umaga at sa gabi, pagkatapos ng hapunan. (Paraan)
  • Uminom ng tubig o anumang katas ng prutas bawat oras sa panahong gising.


Paggamot ng Halaman at iba pa (punas)

[baguhin]

Suka

[baguhin]
Lagyan ng 2 kutsarang suka ang isang palanggana ng malamig na tubig.
   Gamitin itong pang-pomento sa noo kung walang yelo.

Balimbing

[baguhin]
Pakuluan ng 10 minuto ang 2 tasa ng tinadtad na dahon sa ½ galong tubig. Salain. Palamigin sa loob ng 2 oras.
   Gamitin ito para sa malamig na pomento kung walang yelo.

Kamyas

[baguhin]
Pakuluan ng 15 minuto ang 3 tasa ng tinadtad na sariwang dahon sa isang galong lubig. Salain.
   Gamitin ang tubig para sa malamig o mainit na punas na paligo.

Paggamot ng Halaman na Iniinom

[baguhin]

Gamitin ang isa sa sumusunod na panggamot upang matulungan ang pagpapababa ng lagnat.

Tagulinaw

[baguhin]
Pakuluan ng 10 minuto ang isang tasa ng tinadtad na sariwang dahon at buong halaman sa 2 basong tubig.
   Dosis:
Matanda: 1 tasa bawat 4 na oras.
Bata: (7-12 taon) ½ tasa bawat 4 na oras.
(2-6 taon) ¼ tasa bawat 4 na oras.
Sanggol: 1 kutsara bawat 4 na oras.

Buto ng Okra

[baguhin]
Magsangag ng mga tuyong buto at dikdikin ng pino. Kumuha ng ½ tasa at pakuluan ng 15 minuto sa 2 basong tubig. Palamigin at salain.
   Dosis:
Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon pagkatapos kumain.
Bata: (7-12 taon) ½ tasa bawat 4 na oras.
(2-6 taon) ¼ tasa, 3 ulit maghapon pagkatapos kumain.
Sanggol:1 kutsara, 3 ulit maghapon pagkatapos kumain.

Lagundi

[baguhin]
Pakuluan ng 15 minuto ang 4 na kutsarang tinadtad na tuyong dahon o 6 na kutsarang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig.
   Dosis:
Matanda: 1 tasa, bawat 4 na oras.
Bata: (7-12 taon) ½ tasa bawat 4 na oras.
Sanggol:1 kutsara bawat 4 na oras.