Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Malamig na pomento
Itsura
(Tinuro mula sa Malamig na pomento)
Pakahulugan
[baguhin]Isang damit na piniga mula sa malamig o may yelong tubig na mailalapat sa alinmang bahaging ibabaw ng katawan.
Mga Nagagawa
[baguhin]- Pinahuhupa ang kirot dahil sa pamamaga (edema) o biglang kapinsalaan (trauma).
- Hinahadlangan at pinahuhupa ang paninikip sa ulo.
- Pinababagal ang tibok ng puso kung ilalapat sa tapat nito.
- Pinaninikip ang daluyan ng dugo na binabawasan ang daloy ng dugo sa lugar na may kapansanan.
- Binabawasan ang pagkakataon na magdugo dahil sa pagkahapit ng daluyan.
Mga Bagay na Kailangan
[baguhin]- Banyerang paliguan. Para sa mga sanggol maaaring gumamit ng malaking palanggana.
- Malaking dram o plastik na sisidlan ng tubig para sa matatanda, may sapat na laki upang ilubog ang buong katawan.
- Dalawang basong gawgaw para sa matatanda; ½ baso naman sa mga bata at sanggol.
- Tuwalyang pangligo.
- Labakara o bimpo.
Paraan
[baguhin]- Punuin ng maligamgam na tubig hanggang ⅔ ng banyera. Ang tubig ay dapat na may sapat na lalim upang mailubog ang mga bahaging apektado. Gumamit ng banyerang paliguan kung apektado ang buong katawan.
- Tunawin ang gawgaw sa malamig na tubig sa isang maliit na palanggana. Ihalo itong mabuti sa banyera ng tubig.
- Hubaran ang pasyente at tulungan siyang lumusong sa banyera.
- Gamitin ang labakara sa pagpapaligo sa mga bahaging hindi nakalubog. Basain ang ulo o buhok kung ang anit ay apektado. IIubog ang pasyente nang hanggang 20 minuto; huwag siyang kuskusin ng tuwalya.
- Pagkaraan ng 20 minuto, alisin ang tubig at dampi-dampiang patuyuin ng tuwalya ang maysakit. Huwag banlawan ang gawgaw. Huwag gumamit ng sabon maging sa paghuhugas ng mga kamay, maliban kung itinagubilin ng manggagamot ang isang tiyak na sabon.
- Panatilihing naiinitan ang pasyente at huwag bayaang ginawin.
- Paliguan nang minsan o dalawang beses araw-araw ang pasyente, ayon sa kanyang kalagayan.