Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Mainit na paligo
Itsura
Pakahulugan
[baguhin]Lubog na paligo ng isang bahagi ng katawan na sumasaklaw sa balakang at mga bahagi na sakop ng pigi at tumbong.
Mga Nagagawa
[baguhin]- Pinahuhupa ang sakit pagkatapos ng operasyon sa tumbong.
- Pinadadali ang paglinis at paggaling ng bahaging inopera.
- Pinahuhupa ang pulikat at pamimitlig na balakang at pantog.
- Pinag-iibayo ang daloy ng dugo sa lugar ng balakang.
- Nagpaparelaks sa pantog.
Mga Bagay na Kailangan
[baguhin]- Isang malaking palanggana na may sapat na lalim upang makaupo ang pasyente.
- Isang maliit na palanggana para sa paa.
- Isang maliit na palanggana na may yelo o malamig na tubig at pampomento.
- Isang tuwalyang may sapat na haba upang maipulupot sa ulo.
- Kumot para ibalot sa katawan.
- Tuwalyang pang-ligo.
- Isang malaking kaserola ng kumukulong tubig.
- Isang silya o bangkito.
Paraan
[baguhin]- magpainit ng tubig.
- IIagay ang malaking palanggana sa silya o sa sahig. Lagyan ng kaunting tubig na may sapat na init upang maupuan ng pasyente.
- Alisin ang damit, mga kasuotang panloob at mga bendahe kung mayroon nito. Balutin ng kumot.
- Tulungan ang pasyente sa pag-upo sa palanggana at paglalagay ng mga paa sa maliit na palangganang may mainit na tubig.
- Lagyan ng pomentong malamig ang noo at unti-unting dagdagan ng mainit na tubig ang mga palangganang kinauupuan at kinatutungtungan.
- Kalawkawin ng kamay ang tubig habang dinaragdagan ng mainit. Pag-ingatang huwag mabuhusan ng mainit na tubig ang pigi at paa ng pasyente.
- Palitang madalas ang malamig na pomento. Ituloy ang pagdaragdag ng mainit na tubig hanggang 20 o 30 minuto.
- Pagkatapos ng paraang ito, buhusan ng malamig na tubig ang palangganang kinauupuan. Itaas ang mga paa at buhusan ang mga ito ng malamig na tubig. Patuyuing mabuti.
- Tulungan ang pasyente na makaalis sa palanggana at bigyan ng mainit-init na shower o punas kaya.
- Bayaang magpahinga ang pasyente at panatilihin siyang naiinitan pagkatapos ng gamutan.
PAHIWATIG: Ang mainit na paligo sa balakang at pigi ay pinakamabuting gawin sa banyo sapagkat malamang na mabasa ang sahig. |