Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa masakit na lalamunan
Itsura
Ang sakit ng lalamunan ay pagbabara o pamamaga nito na bunga ng tonsilitis, pharyngitis o laryngitis. Ang pamamaga ng lalamunan ay isang uri ng sintomas o senyales na dulot iba pang uri ng karamdaman. May kaakibat na pananakit, pangangati ng lalamunan,at kahirapan sa paglunok, ang pinaka madalas na sanhi ng pamamaga ng lalamunan ay ang impeksiyon ng birus, subalit maaari ring ito ay dahil sa bakterya.
Paggamot ng Tubig
[baguhin]- Magmumog ng mainit na tubig na may asin, 4 ulit maghapon bago kumain ng agahan, tanghalian, at bago matulog sa gabi. (Paraan)
- Maglagay ng nagpapainit na pomento sa pagtulog sa buong magdamag Ulltin sa umaga kung ang pasyente ay mananatili sa tahanan. (Paraan) Uminom ng malamig na tubig
- Lumanghap ng pasingaw, 2 ulit maghapon — isa sa umaga bago kumain at bago matulog sa gabi.
- Kung maaari, ipahinga ang boses hanggang ang pamamaga ay mapawi.
Pagmumog ng makabagong gamot tulad ng BACTIDOL
[baguhin]- Maglagay ng kaunting bactidol sa bibig,medyo kalahati ng bibig at mumugin ito ng 30 segundo.
- Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw. Isa sa umaga at isa sa gabi bago matulog.
- Para lamang sa 12 yrs. old pataas ang bactidol.