Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa bali
Itsura
Ang bali ay pinsala sa buto. Ang simpleng bali ay yung walang sugat ang balat. Ang malubhang uri nito ay yung ang buto ay umusli sa balat.
Pangunang Lunas
[baguhin]- Huwag buhatin ang biktima. Hayaan siyang nakahiga nang lapat sa kanyang kinalalagyan. Huwag hilutin o tapalan man ang pinsala.
- Tignan kung may pagdurugo sa katawan, ngunit huwag galawin ito. Kung mayroong malay, alamin kung saan ang bahaging masakit.
- Kung natiyak na ang bahaging may pinsala, huwag itong galawin. Kumuha ng dalawang putol na kahoy o patpat at gawing splint sa bahaging may kapinsalaan. Kung walang tali, gumamit ng panyo o pumunit ng kapiraso sa suot na damit upang ipanali sa splint.
- Ang splint ay dapat na mailagay nang maayos upang mapigil ang paggalaw ng mga kasukasuan. Ang may pinsalang braso ay maitatali sa katawan at ang may pinsalang paa ay maitatali sa walang pinsalang paa, kung walang magagamit na splint.
- Maingat na dalhin agad ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.