Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Labatiba
Itsura
Pakahulugan
[baguhin]Ang pagpapasok ng tubig sa loob ng bahagi ng malaking bituka upang mapasigla ang gawain ng mga bituka at malinis ang mga ito.
Mga Nagagawa
[baguhin]- Pinasisigla ang peristalsis o mga gawain ng bituka.
- Nililinis ang bahagi ng malaking bituka (colon); karaniwan itong ginagawa bago gawin ang mga pagsusuri o X-ray ng kolon o anumang mga sangkap ng tiyan.
- Pinahuhupa ang sakit na dulot ng kabag (gas pain).
Mga Bagay na Kailangan
[baguhin]- Lata ng labatiba na may gomang lubo at pito sa tumbong
- Lubrikante (Iangis o suwabeng sabon).
- Papel na pang-CR (toilet paper).
- Panlatag na plastik o mga lumang diyaryo.
- Asin — 1 kutsara para sa 1 litro o mga 4 na tasang tubig.
- Tuwalya
- Tsata o arinola, kung di-kaya ng maysakit na pumunta sa kubeta o CR. (Arinolang lapad para sa mga pasyenteng nakahiga at di-makabangon)
- Hugasan sa tabi ng kama.
Paraan
[baguhin]- Maaaring maglabatiba sa kama o nasasapnang sahig kung ang silid ng maysakit ay malayo sa kubeta o CR.
- Kung ang paglalabatiba ay ginagawa sa labas ng silid, walang dapat na kasama ang pasyente maliban sa nagsasagawra nito upang siya ay magkaroon ng kasarinlan (privacy).
- Isapin ang plastic na panlatag o mga lumang diyaryo sa ilalim ng pigi o puwitan ng maysakit.
- Patagilirin sa kaliwa ang maysakit, na nakabaluktot ang mga tuhod. Takpan ang pasyente mallban sa bahagi ng tumbong.
- Punuin ang lata ng labatiba ng maligamgam na tubig at lagyan ng 1 kutsarang asin. Bayaang umagos ang solusyon sa tubo upang mapawi ang hangin bago isingit ang pito sa tumbong.
- Pahiran ng langis o sabon ang pito upang madali itong maipasok.
- Ipasok ang pito sa tumbong at marahang padaluyin ang tubig. Ang taas ng lata ng labatiba ay dapat na 1 ½ talampakan o 18 pulgada (45 cm.) mula sa tumbong ng pasyente.
- Kontrolin ang bilis at presyon ng solusyong pumapasok sa tumbong sa pamamagitan ng pagtataas at pagbababa ng marahan sa lata ng labatiba. Kung ang pasyente ay nagpapahiwatig na nais niyang i1abas ang tubig, ihinto sandali ang pagdaloy ng solusyon sa pamamagitan ng pagpisil sa tubong goma at hayaang ibuka ng maysakit ang kanyang bibig at dito siya huminga at magrelaks.
- Hanggang maaari bayaang pigilin ng pasyente sa pinakamatagal na panahong kanyang matitiis ang paglabas ng solusyon.
- Hugutin nang marahan ang pito at balutin ng toilet paper. Tulungan ang pasyente na magtungo sa kubeta o CR o kaya ay pagamitin ng tsata o arinola kung hindi niya magagawa ito.
- Matyagan ang inilalabas na tubig ng pasyente na bunga ng palalabatiba.
- Ulitin ang paraang ito hanggang maubos ang solusyon o kaya ay malinaw na ang inilalabas ng maysakit.
- Hugasan at patuyuin ang pasyente at paginhawahin siya. Matyagan ang kalagayan at reaksyon ng maysakit.
- Linisin ang lugar, hugasan at pakuluan ang lata ng labatiba, gomang tuba at pito bago ito iligpit. Tiyaking tuyo nang mabuti ang gomang tubo.