Pumunta sa nilalaman

Ibong Adarna/Kabanata 6

Mula Wikibooks
Error sa ekspresyon: Di-inaashang operador na <. [[Ibong Adarna/Kabanata {{{2}}}|{{{A}}}]]
([[Ibong Adarna/Kabanata {{{2}}}/Paliwanag|Paliwanag]])

Error sa ekspresyon: Di-matukot na bantas "{".


Buod

[baguhin]

Nagpalabas ng bagong kautusan ang hari na halinhinang bantayan ng tatlo niyang anak ang ibong Adarna - tatlong oras bawat isa. Sinuman ang magkamali ay may parusang nakalaan.

Isang gabi ay naisipan ni Don Pedro na maghiganti sa natamong kahihiyan at kinausap si Don Diego sa planong pakawalan ang ibon sa oras na makatulog si Don Juan habang nagbabantay. Kinaumagahan, gulat nagulat si Don Juan nang makitang wala na ang ibon sa hawla. Upang pagtakpan ang kasalanan ng kanyang mga kapatid, nagpasya siyang umalis na lamang.

Natuklasan ng Haring Fernando na nawala ang ibon at ipinalawag ang tatlong anak, ngunit dalawa lamang ang humarap. Ipinahanap nito si Don Juan sa dalawa. Hinanap ni Don Pedro at Don Diego ang kapatid. Napadpad sila sa mga bundok at burol hanggang sa natagpuan nila si Don Juan sa kabundukan ng Armenya. Doo'y napagkasunduan nilang manatili at manirahan upang takasan ang sa kanila ay (Don Pedro at Don Diego) kahihiyan.