Ibong Adarna/Kabanata 18
←Error sa ekspresyon: Di-inaashang operador na <. | [[Ibong Adarna/Kabanata {{{2}}}|{{{A}}}]] ([[Ibong Adarna/Kabanata {{{2}}}/Paliwanag|Paliwanag]]) |
Error sa ekspresyon: Di-matukot na bantas "{". |
Buod
[baguhin]Naging malinaw na ang lahat.
Ipinasya ng arsobispo na si Don Pedro at Doña Leonora ay maikasal kasabay ni Don Juan at Doña Maria dahil ang hari ay naguguluhan sa mga pahayag ng mga donya. Masaya si Doña Maria sa hatol. Hindi naman tumutol si Doña Leonora.
Kasabay ng kasalan ay ang hangarin ni Haring Fernando na maipasa ang korona at setro sa karapat-dapat na magmana - si Don Juan. Ngunit na una nang nasabi ni Doña Maria na si Don Juan ay mayroon nang sarili niya. Ito ay ang kaharian ng kanyang ama ang Reino de los Crystales. Sa mga pangyayari ay naging bagong hari sa Berbanya si Don Pedro at Reyna naman si Doña Leonora.
Samantala, sina Don Juan at Doña Maria ay bumalik sa Reino de los Crystales. Doon ay namuno si Don Juan bilang bagong hari at ang kanyang minamahal na Doña Maria bilang bagong reyna. Ibinalik nila ang mga taong ginawang bato ni Haring Salermo. Sila ay namuhay ng mapayapa at naging magandang halimbawa sa lahat ng kanilang pinamumunuan. Maging hanggang sa sila ay pumanaw, hindi sila nalimutan ng buong kaharian.