Pumunta sa nilalaman

Ibong Adarna/Kabanata 15

Mula Wikibooks
Error sa ekspresyon: Di-inaashang operador na <. [[Ibong Adarna/Kabanata {{{2}}}|{{{A}}}]]
([[Ibong Adarna/Kabanata {{{2}}}/Paliwanag|Paliwanag]])

Error sa ekspresyon: Di-matukot na bantas "{".


Kinabukasan, ipinasundo ng hari si Don Juan. Dahil sa matagumpay nitong naisagawa ang kanyang mga kahilinga'y minarapat niyang ibigay na ang gantimpala. Pinapili niya si Don Juan sa tatlo niyang anak na nakatago sa kani-kanilang mga silid. Tanging mga hintuturo lamang ang nakalabas upang sa ganuon ay hindi matiyak kung sino ang mapipili. Ngunit alam ni Don Juan ang palatandaan ng kanyang mahal, kaya walang kahirap-hirap nitong na pili si Doña Maria.Hindi ito ikinatuwa ng hari sapagkat hindi niya nais na sa mahal na anak ay mawalay. Binalak niyang hikayatin si Don Juan na lumayo patungong Inglatera at ipakasal sa kapatid niyang bata pa rin at maganda. Nalaman ito ni Doña Maria at nagpasiya siyang sumama kay Don Juan. Ipinakuha niya sa prinsipe ang kabayo sa ikapitong pintuan na siyang pinakamatuling tumakbo sa lahat.Sa halip na ikapito ay ikawalo ang nakuha ni Don Juan kaya nang hinabol sila ng hari at mga hukbo ng palasyo ay muntik na silang maabutan. Gayunpaman, sa taglay na dunong ni Doña Maria ay matagumpay silang nakalayo. Inilaglag niya ang kanyang karayom na naging mga tinik na bakal. Inihulog din niya ang kanyang sabon at ang daanang maganda ay naging sangga. Sa huli'y inihagis niya ang kanyang kohe at ang lupang tuyo ay naging dagat.Hindi nanakahabol ang hari. Galit na galit ito at isinumpa ang prinsesa na siya ay lilimutin ni Don Juan pagdating sa Berbanya kapag ito ay may nakausap na babae maski ang kanyang nanay, at iba ang pakakasalan ng prinsipe.