Ibong Adarna/Kabanata 1/Paliwanag

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

O, Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa layo’y di malihis.

Ako’y isang hamak lamang taong lupa ang katawan, mahina ang kaisipan at maulap ang pananaw.

Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa, ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay pahidwa.

Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa, baka kung mapalaot na ang mamangka’y di makaya.

Kaya, Inang mapagmahal Ako’y iyong patnubayan, Nang mawasto sa pabanghay Nitong kakathaing buhay.

At sa tanag nariritong Nalilimping maginoo, Kahalinga’y dinggin ninyo Buhay na aawitin ko.