Kasalukuyan
O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
liwanagin yaring isip
nang sa layo’y di malihis.
Ako’y isang hamak lamang
taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw.
Malimit na makagawa ng
hakbang na pasaliwa, ang
tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa.
Labis yaring pangangamba
na lumayag na mag-isa,
baka kung mapalaot na
ang mamangka’y di makaya.
Kaya, Inang mapagmahal
Ako’y iyong patnubayan,
Nang mawasto sa pabanghay
Nitong kakathaing buhay.
At sa tanag nariritong
Nalilimping maginoo,
Kahalinga’y dinggin ninyo
Buhay na aawitin ko.
|
Orihinal
Emperadora sa Langit,
tulungan po yaring isip
Emperadora sa Langit,
tulungan po yaring isip
Sa aua mo po't, talaga
Vírgeng ualang macapára,
acong hamac na oveja
hulugan nang iyong gracia.
<bVirgeng Ináng mariquit matutong macapagsulit.
r>
Dila co'i iyóng talasan
pauiin ang cagarilán,
at nang mangyaring maturan
ang munting ipagsasaysay.
At sa tanang nangarito
nalilimping auditorio,
sumandaling dinguin ninyo
ang sasabihing corrido.
Na ang sabi sa historia
nang panahong una-una,
sa mundo'i nabubuhay pa
yaong daquilang monarca.
At ang caniyang esposa
yaong mariquit, na reina,
ang pangala't bansag niya
ay si doña Valeriana.
|