Faust ni Goethe/Tauhan/Mephistopheles
Si Mephistopheles o Mephisto, isang demonyo at katulong ni Faust sa kuwento.
Kasaysayan
[baguhin]Si Mephisto ay hindi si Satanas o "Ang Diablo", ngunit siya ay isang demonyo na may mataas na ranggo. Nakipagpustahan si sa Panginoon na magagawa niyang iligaw si Faust, isang tapat ngunit litong lingkod ng Diyos, sa landas.
Sa buong kuwento sinubukan niyang itukso si Faust sa pamamamgitan ng pagkilala sa kanya ng mga makamundong luho tulad ng kayamanan, kapangyarihan at kalibugan. Mayroon siyang mga tagumpay ngunit sa huli siya ay nabigo.
Pagkatao
[baguhin]Negatibo ang pagtingin niya sa sangkatauhan at sinasabi niya na naawa siya dito. Naniniwala siya na ang tao mismo ang nagdudulot ng kanilang sariling mga kahirapan. Kinikilala niya ang kapangyarihan ng Panginoon.
Marami siyang nalalaman ngunit inamin niya na di niya alam ang lahat. Kaya niyang magpalit anyo at lumutang. Sa kuwento, na sa anyong aso siya nang una silang magkita ni Faust. Sinabi ni Faust na ang kanyang paboritong anyo ay ahas. Nasa anyong tao siya sa karamihang bahagi ng kuwento. Siya ay unang nagpakilala kay Faust bilang isang manlalakbay na iskolar at nagsa-anyong payaso bilang lingkod ng hari.