Pumunta sa nilalaman

Faust ni Goethe/Tauhan/Heinrich Faust

Mula Wikibooks
Si Faust sa simula ng kuwento. Pinta ni Jean-Paul Laurens

Si Heinrich Faust ang pinaka-pangunahing tauhan ng Faust ni Goethe. Isa siyang iskolar ng maraming larangan tulad ng agham, medisina, alkimya, at teolohiya. Nakipagsundo siya kay Mephistopheles, isang demonyo, upang makahanap ng kasiyahan sa kanyang buhay.

Kasaysayan

[baguhin]

Si Faust ay galing sa pamilyang maharlika. Ang kanyang ama ay katulad niya rin, isang bihasa sa medisina. Isang araw may isang epidemya na di mapaliwanag na sakit ang naranasan ng bayan ni Faust. Di gumagana ang medisina na ibinibigay ng ama ni Faust sa mga taong nagkakasakit, kaya nagtungo sa alkimya ang ama upang makahanap ng lunas sa sakit. Mas marami pa ang nasawi sa gamot mula sa alkimya, na nalamang mas nakakamatay pa sa mismong sakit na dapat panggamot dito. Di binaggit sa kuwento kung ano pa ang nangyari sa ama ni Faust. Di rin nabanggit ukol sa ina.

Naging kilala at nirerespetong iskolar si Faust sa kabila ng mga pagkukulang ng ama ni Faust sa kanilang bayan ngunit naging malayo ang loob ni Faust sa mga tao, di niya maintidihan kung bakit puro papuri ang natatanggap mula sa mga tao. Sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa buhay siya naging malungkot. Tumungo siya sa mahika at alkimya para sa mga kasagutan ukol sa buhay matapos siyang maging bigo sa paggawa ng parehas sa tradisyunal na agham. Muntik na siyang magpakamatay matapos ng isang mabigong pakikipagusap sa isang ispiritong nagawa niyang maipatawag.

Nakipagsundo siya kay Mephistopheles, isang demonyo, na tutulungan siya makamit ang kasiyahan sa buhay habang nabubuhay siya kapalit sa kanyang kaluluwa. Napagkasundo na mamatay siya kung makaranas siya ng sobrang kasiyahan na nanaisin niyang maranasan ng habang-buhay, sa mismong sandali na iyon siya ay mamatay. Sa impiyerno, siya ay maninilbihan kay Mephistopheles.

Nagpabata si Faust sa tulong ng isang bruha sa kagubatan. Nahulog ang loob ni Faust sa isang dalagita na nagngangalang Gretchen. Mga kasawian ang naranasan ni Gretchen, napatay ang kanyan ina, siya ay nabuntis, napatay ang kapatid, at nakulong matapos patayin ang kanyang anak. Napagtanto ni Faust, na may likas siyang pagibig kay Gretchen sa kabila ng mga tukso ni Mephisto, at sinubukang ilabas ang mahal sa kulungan. Tumangi si Gretchen.

Ilang taon pagkatapos ng trahedya ni Gretchen, siya at si Mephisto ay naging mga linkod ng hari. Tinulungan nilang lutasin ang isang krisis pinansyal. Inutos ng Hari na ipatawag ang mga espirito ni Helen ng Troya at ni Paris. Nahulog ang loob ni Faust kay Helen at sinundan ito sa Laong Gresya at sila ay nagka-anak na nag-ngangalang Euphorion. Namatay si Euphorion at sinundan ni Helen ang nasawing anak sa Mundong Ilalim.

Tinulungan nila Faust at si Mephisto ang hari na manalo sa isang digmaan laban sa isa pang hari. Bilang gantimpala, si Faust ay binigyan ng lupain na malapit sa baybayin. Pinaulad ni Faust ang lupain sa isang umuusbong na bayan ang lugar. Namatay si Faust na masaya, iniisip ang mga taong titira sa kanyang bayan at hindi dahil sa makamundong mga luho. Dahil rito siya ay inakyat sa langit kaysa sa napunta sa impyerno-dahil sa kanyang pagsisikap.

Pagkatao

[baguhin]

Si Faust ay isang masikap na iskolar na nais malaman ang lahat na maaring malaman. Siya ay may pagkamayabang at malayo sa loob ng mga tao pero sa kabila nito ay hinahangaan at nirerespeto ng marami. Sa unang bahagi ng istorya siya ay hindi maluho ngunit siya ay natukso ni Mephistopheles sa ilang mga sandali na lunurin ang sarili sa mga makumundong bagay.

Inilalarawan ng Panginoon si Faust bilang isa sa mga tapat ngunit nalilito na lingkod Niya.

Pakikipagtungo sa ibang mga tauhan

[baguhin]

Gretchen

[baguhin]

Nahulog ang loob ni Faust kay Gretchen noong una nilang pagkikita sa kalye. Sa una nag-iwan si Faust ng mga alahas sa silid-tulugan ni Gretchen. Tinulungan si Faust ni Mephisto upang makalapit kay Gretchen sa pamamagitan ng paggamit kay Martha, isang malapit na kaibigan ni dalaga, bilang kanyang tulay.