Pumunta sa nilalaman

Faust ni Goethe/Tauhan/Gretchen

Mula Wikibooks

Si Gretchen o Margaret ay isang dalagang dalisay at kasintahan ni Faust sa unang bahagi ng kuwento.

Kasaysayan

[baguhin]

Si Gretchen ay galing sa pamilyang maralita na may simpleng bahay. Matulungin si Gretchen sa kanyang ina na budya, at inalagaan ang kanyang mas nababatang kapatid na babae, ngunit namatay ito ng maaga. Matalik na kaibigan niya si Martha, isang maharlikang babae. Ang kanyang kapatid na si Valentin ay isang mandirigma.

Pagkatao

[baguhin]

Simple, dalisay ngunit walang muwang na dalaga si Gretchen. Mababa ang tingin ni Gretchen sa sarili niya dahil sa kanyang kahirapan. Relihiyosa si Gretchen, palaging nagsisimba, nagdadasal at nagkukumpisal. Nakikita niya ang kabutiang loob ng halos lahat ng tao.

Pakikipagtungo sa ibang tauhan

[baguhin]

Faust

[baguhin]

Kasintahan ni Gretchen. Sa una di inaamin ni Gretchen ang nararamdaman niya para sa ginoo dahil sa kanyang mababa na pagtingin sa sarili, na ang isang mayaman na katulad ni Faust ay hindi maaring umibig sa isang dukhang katulad niya.

Martha

[baguhin]

Matalik na kaibigan ni Gretchen. Pinapapasok siya ni Martha sa kanyang tahanan sa kabila ng kanyang antas sa buhay.

Mephistopheles

[baguhin]

Walang tiwala si Gretchen kay Mephisto, at siya ay nakikitang masamang impluwensya sa kanyang sintang si Faust. Kasamaan lamang ang nakikita ni Gretchen sa demonyong nasa anyong tao. Puna ni Gretchen na kinamumuhian niya si Mephisto sa kabila ng karaniwan niyang mabuting opinyon sa karamihan.