Esperanto/Ang Alfabeto at Punto
Ang wikang Esperanto ay ginawa upang madaling aralin ng kahit sino. Dahil sa pilosopiyang ito, ginawa ang sistema ng alfabeto at punto nito upang maging madaling aralin sa isang upuan.
Ang Alfabeto
[baguhin]Mayroong 28 titik ang alfabetong Esperanto. Binubuo ito ng 22 na ginagamit na sa wikang Filipino, at anim na dagdag na titik na hindi mahahanap sa kahit anong wika sa daigdig.
A | B | C | Ĉ | D | E | F | G | Ĝ | H | Ĥ | I | J | Ĵ | K | L | M | N | O | P | R | S | Ŝ | T | U | Ŭ | V | Z |
a | b | c | ĉ | d | e | f | g | ĝ | h | ĥ | i | j | ĵ | k | l | m | n | o | p | r | s | ŝ | t | u | ŭ | v | z |
Mga Patinig
[baguhin]Ang pagbibigkas ng mga patinig ay tulad ng pagbigkas ng mga ito sa wikang Filipino.
Malaking Titik | Maliit na Titik | IPA | Halimbawa |
---|---|---|---|
A | a | a | aklat |
E | e | e | tela |
I | i | i | ingay |
O | o | o | pito |
U | u | u | ulam |
Mga Katinig
[baguhin]Ang pagkakabigkas ng mga katinig ay may halintulad rin sa wikang Filipino. Ngunit ang iba sa mga ito ay wala sa wikang Filipino, pero nasa wikang Pranses, Rusa, Ingles, atbp.
Malaking Titik | Maliit na Titik | IPA | Halimbawa |
---|---|---|---|
B | b | b | bigas |
C | c | t͡s | |
Ĉ | ĉ | t͡ʃ | tseke |
D | d | d | dati |
F | f | f | |
G | g | ɡ | galaw |
Ĝ | ĝ | d͡ʒ | dyip |
H | h | h | harana |
Ĥ | ĥ | x | |
J | j | j, i̯ | bayaw |
Ĵ | ĵ | ʒ | |
K | k | k | kabit |
L | l | l | linggo |
M | m | m | mangga |
N | n | n | nayon |
P | p | p | pagong |
R | r | r | rinig |
S | s | s | salita |
Ŝ | ŝ | ʃ | pasyon |
T | t | t | talong |
Ŭ | ŭ | u̯ | bawang |
V | v | v | |
Z | z | z |
Ang Punto
[baguhin]Ang Esperanto ay binibigkas sa pamamagitan ng pagsabi ng mariin sa isang silaba sa isang salita. Ang punto ng lahat ng mga salita sa wikang Esperanto ay nasa pangalawa bago ang huling silaba.
Pagbigkas
[baguhin]Ang Esperanto, tulad ng wikang Filipino, ay binibigkas ayon sa kung paano ito nakasulat. Kumbaga, "kung ano ang bigkas ay siya ring baybay". Bawat letra na nakabaybay sa isang salita ay kailangan bigkasin.
Mga Diptongo
[baguhin]May mga diptongo ang Esperanto, tulad ng sa wikang Filipino. Ang mga diptongo ay dalawang magkasunod na patinig na binibigkas bilang iisa. Madalas na ang mga diptongo ay nagtatapos ng "j" o "ŭ", mga malapatinig.
Mga Klaster
[baguhin]May mga klaster ng mga katinig rin sa Esperanto. Ang mga klaster ay dalawang magkasunod na katinig na binibigkas bilang iisa. Tulad sa wikang Filipino, ang mga klaster sa Esperanto ay maaaring dulog ng "r". May mga klaster ring hindi mahahanap sa wikang Filipino, tulad ng "gv" at "kv". Isang klaster rin ang mga grupo na nagtatapos sa "j" tulad ng "nj".
Mga Magkaparehong Patinig
[baguhin]May mga salita sa Esperanto, tulad ng "ĝuu", "kriis", at "sciis", ay binubuo ng dalawang magkapareho at magkasunod na patinig. Ang bawat isa sa mga patinig na ito ay kailangan bigkasin ng may tamang punto.
Sa Tunay na Pagsasalita
[baguhin]Sa tunay na pagsasalita, ang mga diptongo, klaster, at mga magkaparehong patinig ay nag-iiba ng pagkakabigkas para mapadali ito. Ang mga klaster na "nj" at "ng" ay maaring bigkasin bilang /ɲ/ at /ŋ/ imbes ng /n-j/ at /n-g/. Ang mga magkaparehong patinig ay nagiging iisa at binibigkas bilang isang mahabang patinig na lamang.
Pagsasanay
[baguhin]Una
[baguhin]Bigkasin ang mga sumusunod na simpleng salita na nakasulat sa wikang Esperanto.
Mga Pagsasanay |
---|
merkredo - merkredo |
arbo, birdo, centro, ĉefo, dento, enero, fajro, glavo, ĝojo, hanto, ĥoro, ino, jupo, ĵurnalo, kato, lernejo, mojoso, nazo, orelo, patro, reto, seĝo, ŝafo, terpomo, ulo, vesto, zorgo
Ikalawa
[baguhin]Bigkasin ang mga sumusunod na salitang may mga diptongo at klaster sa wikang Esperanto.
Mga Pagsasanay |
---|
gvido - gvido |
antaŭ, bedaŭrinde, citrono, ĉirkaŭ, drato, ekster, febrero, gvardano, ĝajnismo, hejmen, ĥroro, inĝeniero, jurisdikcio, ĵaŭdo, kvazaŭ, lingvo, membro, naskiĝtago, onklino, preter, renkontis, scias, ŝlosilo, trinkejo, unuvorte, verŝajne, zebro
Ikatlo
[baguhin]Isulat ang mga sumusunod na salitang Tagalog at Ingles sa alfabetong Esperanto.
Mga Pagsasanay |
---|
kilala, tradition - kilala, tradiŝon |
siya, sila, pagkakakilanlan, pangngalan, kamukha, tsokolate, masyado, mangga, kinikilig, paglago, paaralan, gumawa, pintasan program, code, internet, terminal, kitchen, soup, writer, dance, flower, song, playwright, cake, bagels, number, mathematics
Ikaapat
[baguhin]Mahuhulan mo ba ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa Esperanto? Subukan mo!
Mga Pagsasanay |
---|
marso - marso, ang pangatlong buwan ng taon |
sabato, lerno, birdo, maŝino, kristo, minuto, fiŝo, sinjoro, festo, mano, parto, metro, fingro, medikamento, prezentas, filmo, teatro, komitato, telefono,