Pumunta sa nilalaman

Tagalog/Parirala

Mula Wikibooks
(Tinuro mula sa Parirala)

Ang Parirala ay ang ay pinagsama-samang salita na walang simuno o panaguri. Walang buong diwa. Ito ay tinatawag na Phrase sa wikang Ingles.

Uri ng Parirala

[baguhin]

Pariralang Pang-ukol

[baguhin]

Ito ay binubuo ng pang-ukol at layon (pangngalan o panghalip)

Halimbawa:
  • sa Bacolod at sa Uayansex
  • para sa iyo
  • ukol sa droga

Pariralang Pawatas

[baguhin]

Ito ay binubuo ng pandiwang pawatas + pangngalan.

Halimbawa:
  • sa kasamahan
  • ang mga umalis
  • ng mga pumasok

Pariralang Pangngalang-diwa

[baguhin]

Ito ay binubuo ng pantukoy at pangngalang-diwa (pag + salitang ugat)

Halimbawa:
  • sa pagdiskubre
  • ang pag-alis
  • ang pag-kain

Pariralang Panuring

[baguhin]

Ito ay binubuo ng panuring at pangngalan.

Halimbawa:
  • malaking tirahan
  • matuling sasakyan
  • mabangong damit