Tagalog/Pang-uri
Itsura
Tumutukoy sa tanging katangian ng pangngalan o panghalip.
- Halimbawa
- Ang bawat pook ay tahimik.
- Siya ay pogi.
- Pahambing
Nagpapahayag ng magkatulad o magkaiba ang kalagayan ng isang pangngalan o panghalip. Ang pahambing na pang-uri ay may dalawang kalagayan: magkatulad at di-magkatulad.
- Halimbawa
-
- Magkatulad
- Kasinghusay ni Harry ang kapatid niya pagdating sa paglililok.
- Magkasinghusay ang aming guro sa Agham at Sipnayan.
- Parehong magaling sumayaw sina Louis at Zayn kaya naman nakakadagdag pogi ito sa mga tagahanga nila.
- Ang leader na si Harry at Liam ay magkasing galing sa pagiging responsable.
- Magkasingtaas lang ang boto ng One Direction at 5 Seconds of Summer.
- Kasingbilis ng kidlat ang pagtakbo ng isang kabayo.
- Di-magkatulad
- Si Xiao Xi ay di-gaanong matangkad kaysa kay Jiang Chen.
- Mas mataas ang porsiyento ng mga taong nagkakagusto sa One Direction kaysa sa mga nanghuhusga o naninira nito.
- Mas mabuti ng tumangkilik kaysa sa manira o manghusga ng ibang mga bagay.
- Mas pangit ang ugali ng mga taong makikitid ang utak kaysa sa mga taong nakakaintindi.
- Pasukdol
Nagpapakilala ng nangingibabaw o namumukod na katangian ng pangngalan o panghalip.
- Halimbawa
- Si Mario ang pinakamasipag sa kanilang klase.
- Ang anak niya ay ubod ng sipag.
- Ang grupong Dreamcatcher ang tinuturing na pinakasikat na grupo sa buong mundo.