Noli Me Tangere/Kabanata 59 : Pag-ibig sa Bayan

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Ang ginawang paglusong ng mga naapi o skemer ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kum ==Buod==

Tuliro at balisa ang pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad.Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga babaing nagsusumamo sa kanya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.

Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduon din at walang gatol na ipinagsasabi na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Ang isang babae naman ay halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang guro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala nang kaligtasan si Ibarra.

Mag-iikalawa ng hapon nang dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero, pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglalakad ang kanilang mga ka-anak na bilanggo.

Maya-maya, lumabas ang may dalawampung kawal at pinaligiran ang kariton. Ang sumunod na inilabas ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng nakangiti ang kanyang asawang si Doray ng yakapin nito ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasaring ng kanyang pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albano ay naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang kaibigan.

Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod rin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.

Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sisi at tinwag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain.

Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang kinabukasan.

Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay na si Tasyo sa may pintuan ng kanyang bahay.

==Buod==

Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay na si Tasyo sa may pintuan ng kanyang bahay. b bento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga probinsiyal ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa nga na maging ang munting heneral o generalillo daw mag-aguero ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si Padre Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.

Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tondo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Crisostomo Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.

Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang kanilang pinsan si Don Primitivo. Ito ay isang lalaking may edad at mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hinggan ng payo sapagkat marunong itong mangatuwiran. Kaagad na nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsan. Ayon sa kanya, pinakain ni Tinong si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila ay magkaibigan.

Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra sapagkat ang mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya’t walang ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga kasilulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga kasulatan.

Boto silang lahat sa payo.

Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indiyo kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.

Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.