Noli Me Tangere/Kabanata 25
←Kabanata 24: Sa Gubat ←Paliwanag |
Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo Paliwanag |
Kabanata 26: Bisperas ng Pista→ Paliwanag→ |
Teksto
Sa Bahay ng Pilosopo |
Sa Bahay ng Filosofo Pagca umaga ng̃ kinabucasan, pagcatapos na madálaw ni Juan Crisóstomo Ibarra ang canyang mg̃a lúpà, siyá'y tumúng̃o sa báhay ni mátandang Tasio. Lubós na lubós ang catahimican sa halamánan, sa pagca't ang mg̃a lang̃ay-lang̃ayang nang̃agsasalimbayan sa palibót ng̃ balisbisa'y bahagyâ na umiing̃ay. Sumísibol ang malilit na damó sa lúmang pader na guinagapang̃an ng̃ cawáng̃ís ng̃ báguing na bumubordá sa mg̃a bintánà, malíit na bahay na anaki'y siyáng tahanan ng̃ catahimícan. Maíng̃at na itináli ni Ibarra ang canyáng cabáyo sa isáng halígui, siyá'y lumacad ng̃ hálos patiad ng̃ pagdadahandahan at canyáng tináhac ang halamanang malínis at totoong magaling ang alágà; pinanhíc ang hagdánan, at siya'y pumasoc, sa pagca't bucas ang pintô. Ang únang nakita niyá'y ang matandâ, na nacayucód sa isang libro na tíla mandín canyáng sinusulatan. May napanood sa mg̃a pader na tinitipong mg̃a maliliit na mg̃a háyop at mg̃a dahon ng̃ mg̃a cáhoy at damó, sa guitnâ ng̃ mg̃a "mapa" at lúmang estanteng punô ng̃ mg̃a libro at ng̃ mg̃a súlat-camáy. Lubhang nalilibang ang matandâ sa canyang guinagawâ, na ano pa't hindî naino ang pagdating ng̃ binatà, cung dî ng̃ ito'y aalis na sana, sa pagcaibig na huwag macagambalà sa matandang iyón. —¡Abá! ¿nariyan pó bâ cayó?—ang itinanóng, at tiningnan si Ibarra ng̃ wari'y nangguiguilalás. —Ipagpaumanhin pô ninyó,—ang isinagót nitó,—cayó pô pala'y maraming totoong guinagawâ.... —Siya ng̃â pô, sumusulat acó ng̃ cauntî, datapuwa't hindî dalî-dalì at ibig cong magpahing̃á. ¿May magagawâ pô bâ acóng anó mang sucat ninyóng pakinabang̃an cahi't babahagyâ? —¡Malaki pô!—ang isinagót ni Ibarra at saca lumapít;—datapuwa't.... At sinulyáp ang librong na sa ibabaw ng̃ mesa. —¡Aba!—ang biglang sinabing nangguíguilalas; guinagamít po ba ninyo ang inyong panahon sa pagsisiyasat cung anó ang cahulugán ng̃ mg̃a "geroglífico?" —Hindî pô!—ang isinagót ng̃ matandáng laláki, at tuloy nag-álay sa kanyá ng̃ isáng "silla";—hindî nacacawatas acó ng̃ egipcio ó ng̃ copto man lamang, datapuwa't may cauntì akóng nalalamang paraan sa pagsulat niyan, caya acó'y sumulat ng̃ mg̃a "geroglífico." —¿Sumusulat pô cayó ng̃ mg̃a "geroglifico"? ¿At bákit pô?—ang itinanóng ng̃ binatang nag-aalinlang̃an sa nakikita't nariring̃ig. —Ng̃ huwag mabasa nino man sa mg̃a panahóng itó ang aking sinusulat. Tinitigan ni Ibarra ang matandang lalaki, at ang ísip niya'y bacâ nasisirà ang ísip nitó. Madaling madalíng siniyásat ang aclat, sa pagca íibig niyang maalaman cung nagsisinung̃aling, at canyang námasdang totoong magalíng ang doo'y pagcacaguhit ng̃ mg̃a hayop, mg̃a gúhit na bilóg, mg̃a gúhit na anyóng pabilóg, mg̃a bulaclac, mg̃a paa, mg̃a camay, mg̃a bisig, at iba pa. —¿At bakit pô cayó sumusulat cung talagang aayaw cayóng mabasa nino man ang inyóng sinusulat? —Sa pagca't hindî co iniuucol ang áking sinusulat sa mg̃a taong nabubuhay ng̃ayón; sumusulat acó at ng̃ mabasa ng̃ mg̃a taong ipang̃ang̃anak pa sa mg̃a panahong sasapit. Cung mababasa ng̃ mg̃a tao ng̃ayon ang aking mg̃a sinusulat ay canilang susunuguin ang aking mg̃a aclat, na siyang pinagcagugulan co ng̃ pagal ng̃ boong aking búhay; datapuwa't hindi gayón ang gagawin ng̃ mg̃a taong ipang̃ang̃anak pang macababasa ng̃ aking mg̃a sinusulat ng̃ayón; sa pagca't ang mg̃a taong ipang̃ang̃anak pang iyo'y pawang maguiguing mg̃a pantas at mauunawâ nila ang aking mg̃a adhicâ at canilang wiwikain: HINDI NATULUG NA LAHAT SA GABI NG̃ AMING MG̃A NUNO! Ililigtas ng̃ talinghagà ó ng̃ mg̃a cacaibang mg̃a letrang itó ang aking gawâ, sa camangmang̃an ng̃ mg̃a tao, na gaya naman ng̃ pagcaligtas sa maraming mg̃a catotohanan ng̃ talinghaga ó ng̃ mg̃a cacaibang mg̃a pagsambá at ng̃ di sirain ng̃ mapangwasak na mg̃a camay ng̃ mg̃a sacerdote. —At ¿sa anóng wica sumusulat po cayo?—ang itinanong ni Ibarra, pagcatapos ng̃ isang sandalíng hindî pag-imíc. —Sa wica natin, sa tagalog. —¡At nagagamit pô ba sa bagay na iyan ang mg̃a "geroglifico"? —Cung di lamang sa cahirapan ng̃ magdibujo, nagcacailang̃an ng̃ panahón at tiyaga, halos masasabi co sa inyóng lalong magaling na gamitin ang mg̃a "geroglifico sa pagsulat ng̃ ating wikà cay sa "alfabeto latino". Tagláy ang mg̃a "vocal" ng̃ dating "alfabeto egipcio"; ang ating o na pangwacas na vocal na na sa calaguitnàan ng̃ o at ng̃ u; wala rin sa egipciong túnay na tunóg ang E; na sa "alfabeto egipcio" ang ating ha at ang ating kha na wala sa "alfabetong latín" ayon sa paggamit natin sa castila. Sa halimbawà; sa sabing mukha,—ang idinugtong na itinuro ang libro—lalong nababagay na aking isulat ang sílabang ha sa pamamag-itan nitóng anyóng isdâ cay sa letrang latina na ipinang̃ung̃usap sa Europa sa pamamag-itan ng̃ iba't ibáng paraan. Sa isáng pang̃ung̃usap na hindî totoong ipinahahalatâ ang letrang itó, gáya sa halimbáwa dito sa sábing hain, na dito'y hindî totooog mariin ang pang̃ung̃usap ng̃ h, ang guinagamit co'y itóng "busto" ng̃ leó ó itóng tatlóng bulaklak ng̃ loto, ayon sa bilang ng̃ "vocal." Hindî lámang itó, nagágawâ co rito ang pagsúlat ng̃ tínig na sa ilóng lumálabas, letrang walâ sa "alfabeto latinong" kinastilà. Inuulit cong cung hindî ng̃â lámang sa cahirápan ng̃ pagdidibujo na kinacailang̃ang pacabutihin, hálos magagamit ng̃â ang mg̃a "geroglifico;" datapowa't ang cahirapang ding itó ang siyang pumimipilit sa aking huwag magsalitâ ng̃ maláwig at huwag magsaysay cung dî iyóng catatagán at kinakailang̃an lámang: bucód sa rito'y sinasamahan acó ng̃ pinagpapagalan cong itó, pagca umáalis ang áking mg̃a panauhing tagá China at tagá Japón. —¿Anó pong sábi ninyó? —Hindî pô ba ninyo náriring̃ig? Mg̃a lang̃aylang̃ayan ang áking mg̃a panauhin; ng̃ taóng itó'y nagcúlang ng̃ isá; maráhil siyá'y hinúli ng̃ síno mang masamáng bátang insíc ó japonés. —¿Bakit pô nalalaman ninyóng silá'y nanggagaling sa mg̃a lupaíng iyán? —Dahil pô sa isáng magaáng na paraan: may iláng taón na ng̃ayóng bágo silá umalís ay itinatalì co sa caniláng paa ang isáng maliit na papel na may nacasúlat na "Filipinas" sa wicang inglés, at inaacalà cong hindî totóong maláyò ang caniláng pinaroroonan, at sa pagcá't sinásalita ang wicang inglés hálos sa lahát ng̃ pánig ng̃ mg̃a dácong itó. Hindî nagcamít casagutan ang maliit cong papel sa loob ng̃ mahabang panahón, hanggáng sa cawacasa'y ipinasulat co sa wicang insíc, at ang nangyari'y silá'y bumalic ng̃ noviembreng sumunód na may mg̃a daláng ibáng mg̃a maliliit na papel, na aking ipinabasa: nacasúlat ang isá sa wícang insíc, at yaó'y isáng báti magmula sa mg̃a pampang̃ín ng̃ Hoangho, at ang isá, alisunod sa insíc na áking pinagtanung̃an, yaón daw marahil ay wicang japonés. Datapuwa't cayó po'y áking linílibang sa mg̃a bagay na itó, at hindî co itinatanong sa inyó cung sa paanong bagay macapaglílingcod acó sa inyó. —Naparito pô acó't ibig cong makipag-úsap acó sa inyó tungcól sa isang bagay na mahalaga,—ang isinagót ng̃ binatà;—cahapon ng̃ hapo'y.... —¿Hinúli pó ba ang cúlang pálad na iyan?—ang isinalabat ng̃ matandang lalaking malaking totóo ang pagca ibig na macaalam. —¿Si Elías pô ba ang inyóng sinasabi? ¿Bakin pô ninyó naalaman? —¡Aking nakita ang Musa ng̃ Guardia Civil. —¡Ang Musa ng̃ Guardia Civil! ¿At sino pô ba ang Musang iyan? —Ang asawa ng̃ alférez, na inyóng inanyayahan sa inyóng pagcacatuwa. Cumálat cahapon sa báyan yaong nangyari sa buwaya. Cung gaano ang catalásan ng̃ ísip ng̃ Musa ng̃ Guardia Civil ay gayon din ang catampalasanan ng̃ canyáng budhî, at hininálà na maráhil ang piloto'y yaong napacapang̃ahas na nag-abaáng sa canyang asawa sa pusaw at bumuntál cay párî Dámaso; at sa pagca't siya ang bumabasa ng̃ mg̃a "parte" (casulatang nagbibigay álam ng̃ anó mang bagay na nangyayari) na dapat tanggapin ng̃ canyáng asáwa, bahagyà pa lamang dumarating itó sa canyang bahay na lang̃ó at walang malay, inutusan ang sargento, sampô ng̃ mg̃a soldado, at ng̃ bagabaguin ang fiesta, upang macapanghigantí sa inyó, ¡Mag-ing̃at pó cayó! Si Eva'y mabait na babae, palibhasa'y nanggâling sa mg̃a camay ng̃ Dios ... Masama raw babae si doña Consolación, at waláng nacacaalam cung caninong camáy siya nanggáling! Kinacailang̃ang naguing "doncella" ó naguíng ina, minsan man lámang, upang gumalíng ang isang babae. Ng̃umitî ng̃ cauntî si Ibarra, sacâ súmagót, casabay ang pagcuha sa canyang cartera ng̃ iláng mg̃a papel. —Malìmit na nagtátanong pô sa inyó ang aking nasírang amá sa iláng mg̃a bagay, at natátandaan cong páwang casayahan ang canyang tinamó lamang sa pagsunód sa inyong mg̃a cahatulan. May casalucuyan acóng isang munting gawain íbig cong papagtibayin ang magandang calalabasan. At sinabi ni Ibarra sa matandang lalaki sa maiclíng pananalitâ, ang pinagbabalac na escuelahang canyang inihandóg sa canyang pinang̃ing̃ibig, at inilahad sa mg̃a mata ng̃ nagtatacang filósofo ang mg̃a planong galing Maynila na sa canya'y ipinadala. —Ibig co sanang ihatol pô ninyó sa akin cung sinosino sa bayan ang mg̃a taong aking susuyuin, at ng̃ lalong lumabás na magalíng ang gawaing itó. Kilalá pô ninyóng totóo ang mg̃a táong nananahan dito; acó'y bágong carárating at hálos acó'y isáng manunuluyang tagá ibang lupaín sa aking sariling bayan. Sinisiyásat ni matandáng Tasiong sa mg̃a mata'y nangguiguilid ang mg̃a lúhà, ang mg̃a planong na sa canyáng haráp. —¡Ang inyóng ipagpapatuloy na yariin ay ang aking panaguinip, ang panaguinip ng̃ isáng abáng sirâ ang ísip!—ang bigláng sinábing nabábagbag ang lóob;—at ng̃ayó'y ang únang ihahatol co pô sa inyó'y ang huwág na mulíng cayó'y magtanóng sa ákin magpacailan man! Tining̃nán siyá ng̃ binátang nangguíguilalas. —Sa pagcá't ang mg̃a táong matitinó'y ipalalagay pô cayóng sirâ rin ang pag-iísip,—ang ipinagpatuloy ng̃ pananalitáng masacláp na pagpalibhásà.—Inaacalà ng̃ táong páwang mg̃a sirâ ang ísip ng̃ síno mang hindî nag-iisip ng̃ wang̃is na canilá; itó ang dahilán at ipinalálagay nilá acóng ul-ól, at ang gayó'y kinikilala cong útang na lóob, sa pagcá't ¡ay, sa aba co! sa araw na ibig niláng ibalic sa aking boo ang sirâ cong ísip; sa araw na iyá'y áalsan acó ng̃ cauntíng calayâang áking binilí sa halagá ng̃ pagca-acó'y táong may cálolowa. ¿At síno ang nacacaalam cung silá ng̃â ang may catuwiran? Hindî acó nag-iisip at hindî acó nabubuhay alinsunod sa caniláng mg̃a cautusán; pawang mg̃a ibá ang áking sinúsunod na mg̃a palatuntunan, ang áking mg̃a adhicâ. Sa ganáng canilá'y ang túnay na matinó'y ang gobernadorcillo, sa pagca't palibhása'y waláng ibáng pinagaralan cung dî ang magdúlot ng̃ chocolate at magtiis ng̃ casam-án ng̃ asal ni párì Dámaso, ng̃ayó'y mayaman, liníligalig niyá ang mg̃a maliliit na capaláran ng̃ canyáng mg̃a cababáyan at cung magcabihirà pa'y nagsásalitâ ng̃ tungcól sa catuwíran. "Matalas ang pag-iísip ng̃ táong iyán" ang inaacalà ng̃ mg̃a hang̃al; "tingnan ninyó't sa waláng anó ma'y nacapagpalakî sa sarili!" Datapuwa't acóng nagmána ng̃ cayamanan, mg̃a pagca-aláng-álang ng̃ cápuwà, acó'y nag-áral, ng̃ayó'y isáng mahírap acó, at hindî acó pinagcatiwalâan ng̃ lálong waláng cabuluháng tungcúlin, at ang sinasabi ng̃ lahát: "¡Iyá'y isáng ul-ól, iyá'y hindî nacauunawà cung anó ang pamumuhay!" Tinatawag acó ng̃ curang "filósofo" ng̃ palibác, na ang ipinahihiwatig ay acó'y isáng madaldal na ipinagmámayabang ang mg̃a pinagarálan sa Universidad, gayóng siyá pa namáng lálong waláng cabuluhán. Marahil ng̃â namá'y acó ang túnay na báliw at silá ang mg̃a tinô, ¿síno ang macapagsasabi? At pinaspás ng̃ matandâ ang canyáng úlo, na anàkí ibig niyang palayuin ang isáng pag-iísip, at sacâ nagpatúloy ng̃ pananalitâ: —Ang icalawáng maihahatol co sa inyó'y magtanóng pô cayó sa cura, sa gobernadorcillo, sa lahát ng̃ mg̃a táong nacacacaya; bibigyan cayó nilá ng̃ mg̃a masasamâ, hang̃ál at waláng cabuluháng mg̃a cahatulán; datapuwa't hindî pagtalîma ang cahulugán ng̃ pagtatanóng, magpacunuwarî cayóng sinúsunod ninyó silá cailan man at mangyayaring gawin ninyo, at inyóng ipahayag na iniaalinsunod ninyó sa canilá ang inyóng mg̃a gawâ. Naglininglínìng ng̃ sandali si Ibarra at nagsalitâ, pagcatapos: —Magalíng ang inyóng hátol, ng̃uni't mahirap sundin. Dapuwa't ¿hindî ng̃â cayâ maipagpatuloy co ang aking panucálà na hindî tumakip sa panúcalang iyán ang isáng dilím? ¿Hindî bagá cayâ magawâ ang isáng cagaling̃an cahi't tahákin ang lahát, yámang hindî cailang̃an ng̃ catotohanang manghirám ng̃ pananamit sa camalîan? —¡Dáhíl diyá'y walâ sino man sumisinta sa catotohanang hubád! Magalíng ang bágay na iyán sa salitâ, mangyayari lamang sa daigdîg na pinápanaguimpan ng̃ cabatâan. Náriyan ang maestro sa escuela, na walang tumútulong síno man, sangól na púsong nagmithî ng̃ cagaling̃an ay walang ináni cung di libác at mg̃a halakhác; sinábi ninyó sa áking cayó'y taga ibang báyan sa inyóng sariling lupaín, at naniniwalâ acó. Mulâ sa únang áraw ng̃ inyóng pagdatíng díto'y inyóng sinactán ang calooban ng̃ isáng fraileng cabalitaan sa mg̃a táong siya'y isáng banál, at ipinalalagay ng̃ canyáng mg̃a cápuwâ fraileng siyá'y isáng pantás. Loobin nawâ ng̃ Dios na ang guinawâ ninyóng itó'y huwág siyáng maguing cadahilanan ng̃ mg̃a mangyayari sa inyó sa hináharap na panahón. Huwág po ninyóng acalâing dáhil sa pinawawal-áng halagá ng̃ mg̃a dominico at agustino ang guinggóng hábito, ang cordón at ang salaulang pangyapác, na dahil sa minsang ipinaalaala ng̃ isáng dakílang doctor sa Santo Tomás, na ipinasiyá ng̃ papa Inocencio III, na lalong nauucol daw sa mg̃a baboy cay sa mg̃a tao ang mg̃a palatuntunan ng̃ mg̃a franciscano'y hindî silá mang̃agcácaisa upang papagtibayin yaóng sábi ng̃ isáng fraileng procurador: "Higuit ang ikinapangyayari ng̃ lálong walang cabuluháng uldóg cay sa Gobierno, cáhi't maguing casama pa nitó ang lahát niyáng mg̃a soldado "Cave ne cadas". Totóong macapangyarihan ang guintô; madalás na inihápay ng̃ gúyang vacang guintô ang túnay na Dios sa canyáng mg̃a altar, at nangyayari itó búhat pa sa panahón ni Moísés. —Hindî acô lubháng mapangláwin sa pag-iísip ng̃ mangyayari sa anó mang bágay, at sa gánang ákin ay hindî namán napacapang̃anib ang pamumuhay sa áking lupaín,—ang isínagót ni Ibarrang ng̃uming̃itî.—Inaacalà cong nápacalampas namán ang mg̃a tácot na iyán, at umaasa acóng áking magágawâ ang aking mg̃a panucála, na hindî acó macacakita ng̃ malalaking mg̃a hadláng sa dácong íyan. —Hindî ng̃a, sacali't cayó'y tangkilikin nilá; datapuwa't magcacaroon cayó ng̃ mg̃a hadláng cung cayo'y hindî tangkilin. Casucatán na upang madúrog na lahát ang inyóng mg̃a pagsusumicap sa mg̃a pader ng̃ bahay ng̃ tinatahanan ng̃ cura, ang iwaswás ng̃ fraile ang canyáng cordón ó ipagpág cayâ niyá ang canyáng hábito; itátanggui ng̃ alcalde bucas, sa papaano mang dahilán, ang sa inyo'y ipinagcaloob ng̃ayon; hindî itutulot ng̃ síno mang ináng pumásoc ang canyáng anác sa páaralan, at cung macágayo'y baligtád ang ibubung̃a ng̃ inyóng lahát na mg̃a pagpapagal: macapanghihinà ng̃ lóob sa mg̃a magpapanucálà pagcatapos, na tumikím gumawâ ng̃ anó mang bagay na cagaling̃an. —Bagá man sa inyóng sabí,—ang tugón ng̃ binátà, hindî acó macapaniwálà sa capangyarihang iyang sinabi ninyó, at cáhit ipagpalagáy ng̃ catotohanan, cahi't paniwalâan túnay ng̃a, mátitira rin sa áking pinacalábis ang bayang may pag-iísip, ang Gobiernong may maning̃as na hang̃ad sa pagtatátag ng̃ mg̃a panucalang totoong maiinam, taglay niyá ang mg̃a dakilang adhicâ at talagáng ibig ng̃a niya ang icágagaling ng̃ Filipinas. —¡Ang Gobierno! ¡Ang Gobierno!—ang bulóng ng̃ filósofo, at sacà tuming̃alà upang ting̃nán ang bubung̃án.—Bagá man túnay na magcaróon ng̃ maning̃as na nasang padakilâin ang lupaíng itó sa icágagaling ng̃ mg̃a taga rito rin at ng̃ Ináng Báyan; bagá man manacanacang alalahanin ng̃ mang̃isang̃isang mg̃a nang̃ang̃atung̃culan ang magagandang caisipán ng̃ mg̃a háring católico, at bangguitín cung siya'y napapag-isá, ang Gobierno'y hindî nacakikita, hindî nacaririnig, hindî nagpapasiyá, liban na lamang sa ibiguin ng̃ cura ó provincial na canyáng makita, mápakinggan at mápasiyahán; lubós ang pagsampalatayang cayâ lamang siyá matíbay ay dahil sa canilá; na cung siya'y nananatili'y sa pagca't siya'y inaalalayan nilá; cung siya'y nabubuhay, sa pagca't ipinahihintulot niláng siyá'y mabuhay, at sa araw na iwan siyá ng̃ mg̃a fraile'y siya'y matútumbang gáya ng̃ pagcatumbá ng̃ isang taotaohan pagca walâ ng̃ sa canya'y pang-alalay. Tinatacot ang Gobierno sa panghihimagsík ng̃ bayan, at tinatacot ang bayan sa mg̃a hucbó ng̃ Gobierno: nagmulà rito ang isang magaang na laróng nacacatulad sa nangyayari sa mg̃a matatacutin cung sila'y pumapasoc sa mg̃a malulungcót na lúgar; ipinalálagay niláng mg̃a "fantasma" ang canilang sarilíng mg̃a anino, at ipinalálagay niláng mg̃a voces ng̃ ibá ang mg̃a alíng̃awng̃aw ng̃ caniláng sariling mg̃a voces. Hindî macawáwalà ang Gobierno sa pananalima sa mg̃a fraile, samantalang hindî siyá nakikipag-alam sa bayáng itó; mabubuhay siyang catúlad niyáng mg̃a bátang báliw, na pagdaca'y nang̃áng̃atal márinig lámang ang voces ng̃ sa canya'y tagapag-alágà, na caniláng pinacasusuyò ng̃ dî anó lámang at ng̃ sa canila'y magpaumanhin. Hindî nagháhang̃ad ang Gobiernong siya'y magtamó sa hináharap na panahón ng̃ sariling lacás na sagánà, siya'y isáng bísig lámang, sa macatuwíd ay tagaganáp; ang úlo'y ang convento, sa macatuwíd ay siyáng tagapag-utos, at sa ganitóng hindî niyá pagkilos, nagpapaubayà siyáng siya'y caladcarín sa magcabicabilang bang̃ing malalalim, siya'y naguiguing lilim lamang, nawáwal-an siyang cabuluhán, at sa canyáng cahinaan at casalatan sa caya'y ipinagcacatiwalà niyang lahát sa mg̃a camáy na upáhan. Cung hindî'y inyó pong isúmag ang anyô ng̃ pamamahálà sa atin ng̃ ating Pámunuan sa mg̃a ibang lupaíng inyóng linacbáy ... —¡Oh!—ang isinalabat ni Ibarra,—mapapacalabis namán ang mg̃a cahing̃iang iyan; magcásiya na lámang táyo sa pagcakitang ang baya'y hindî dumáraing, at hindî nagcacahirap na gaya ng̃ mg̃a ibáng lupaín, at ito'y salámat ng̃a sa Religión at sa cabaîtan ng̃ mg̃a púnong dito'y namamahálà. —¡Hindî dumáraing ang bayan, sa pagcá't waláng voces, hindî cumikilos sa pagca't hindî nacacaramdam sa mapang̃anib na pagtulog, at hindî nahihirapan, ang wicà po ninyó, sa pagca't hindî niyá nakikita cung paano ang pagdurugô ng̃ canyáng púsò, ¡Ng̃uni't makikita't mariring̃ig isáng áraw at ¡sa abá ng̃ mg̃a lumiligaya sa pagdaráyà at sa gabí cung mang̃agsigawâ, dahil sa ang acálà nilá'y natutulog na lahát. ¡Pagca naliwanagan ng̃ sícat ng̃ áraw ang carumaldumal na anác ng̃ mg̃a cadilimán, cung magcágayo'y dárating ang cakilakilabot na pananag-úlì ng̃ ísìp, búbugsô at sasambulat ang hindî maulátang lacás na kinulóng sa lubháng mahábang panahón, ang napacaraming camandág na isaisang patác na sinálà, ang di masayod na mg̃a himutóc na linunod ... ¿Cung magcágayo'y sino cayâ ang magbabayad niyang mg̃a útang na manacânacang sinísing̃il ng̃ báyan ayon sa ating nababasa sa pigtâ ng̃ dugong mg̃a dahon ng̃ Historia? —¡Hindî ipahihintulot ng̃ Dios, ng̃ Gobierno at ng̃ Religióng dumating ang araw na iyan!—ang mulíng isinagót ni Crisóstomo, na nalálaguim ng̃ laban sa canyang saríling calooban.—Sumasampalataya sa religión at sumisinta sa España ang Filipinas; talastas ng̃ Filipinas cung gaano calakí ang mg̃a cagaling̃ang guinágawâ ng̃ nación sa canya. Tunay ng̃a't may mg̃a capaslang̃ang nagagawa, hindî co rin naman icacailang siya'y may mg̃a caculang̃an; datapuwa't nagpapagal ang España ng̃ pagbabago ng̃ mg̃a cautusán at mg̃a palácad na námamasid niyáng dî totóong wastô upang mabigyáng cagamutan ang gayóng mg̃a capaslang̃án at mg̃a caculang̃an; nagbabalac ng̃ mg̃a bago't bagong panucálà, hindî masamang asal. —Nalalaman co, at nárito ang casám-ang lálò. Ang mg̃a pagbabagong utos na nanggagaling sa mataas, pagdatíng sa baba'y nawawal-ang cabuluhán, dahil sa mg̃a pangit na pinagcaratihan ng̃ lahát, sa halimbawa, ang maning̃as na hang̃ad na pagdaca'y yumaman at ang camangmang̃an ng̃ bayang ipinauubáya ang lahat ng̃ gawín ng̃ may mg̃a salanggapang na budhî. Hindî nasasalansà ng̃ isáng tadhanà ng̃ hárì ang mg̃a gawang lisyà ng̃ mg̃a namiminúnò, samantálang hindî abang̃án ng̃ isáng mapagmalasakit na macapangyarihan ang lubós na pagtalima sa tadhánang iyón ng̃ hárì, samantalang hindî ipinagcacaloob ang calayâang magsalitâ laban sa malalabis na mg̃a cagagawan ng̃ nang̃aglúlupit na mg̃a harîharían sa bayan: mátitira sa pagcapanucála, ang mg̃a panucála, ang mg̃a capaslang̃a'y mananatili't hindî masasawatâ, at gayón ma'y tahímic na matutulog ang ministro, sa galác na siya'y nacatupád ng̃ canyáng catungcúlan. Hindî lamang ito, sacali't pumarito ang isáng guinóong may mataas na catungcúlang may taglay na mg̃a dakila't magagandáng mg̃a hang̃ád, samantalang sa licura'y tinatawag siyáng-ulól, sa haráp niya'y ganitó ang ipasísimulang sa canya'y iparinig: "hindî po nakikilala ng̃ inyóng camahalan, ang lupaing ito, hindî pô nakikilala ng̃ inyóng camahalan ang mg̃a "indio", pasasamain pô ng̃ camalian ninyó silá, ang mabuti po'y magcatiwalâ cayó cay "fulano" at cay "zutano" at ibá pa," at sa pagca't hindî ng̃a naman nakikilala ng̃ camahalan niya ang lupaing hangga ng̃ayo'y na sa América ang canyáng boong acálà, at bucod sa roo'y ma'y mg̃a caculang̃an at may mg̃a hindî mapagtagumpayán ng̃ marupóc niyáng lóob, na gaya rin naman ng̃ lahát ng̃ táo, siya'y napahihinuhod. Nadidilidili naman ng̃ camahalan niyang kinailang̃ang siya'y magpatúlò ng̃ maráming páwis at magcahírap ng̃ dî cawásà upang camtán niyá ang catungculang hinahawácan, na tatlóng taón lamang ang itátagal ng̃ catungculang iyón, na sa pagca't siyá'y may catandaan na'y kinacailang̃ang huwag ng̃ mag-íisip ng̃ mg̃a pagtutuwid ng̃ licô at ng̃ mg̃a pagsasanggalang sa naaapi, cung dî ang iguiguinhawa niya sa panahông darating; isáng malíit na "hotel" (magandang bahay) sa Madrid, isáng mainam na tahanan sa labás ng̃ ciudad at isáng magaling na pakikinabang sa taóntaón sa patubuang salapi upang macapagbúhay-guinháwa sa pang̃ulong báyang tahanan ng̃ hárì ang mg̃a bagay ng̃ang itó ang dapat paghanapin sa Filipinas. Huwág táyong huming̃î ng̃ mg̃a cababalaghán, huwág nating hing̃ing magmalasakit sa icagagaling ng̃ lupaíng itó ang tagá ibáng lupaíng naparirito at ng̃ macakita ng̃ cayamanan at pagcatapos ay aalis. ¿Anóng cahalagahan sa canyá ng̃ pagkilalang lóob ó ng̃ mg̃a sumpâ ng̃ isáng bayang hindî niya kilalá, na walâ síyáng ano mang súcat alalahanin at walâ naman doon ang canyáng mg̃a sinisinta? Upang tumimPáhiná 214yas ang dang̃al ay kinacailang̃an umaling̃awng̃aw sa mg̃a taing̃a ng̃ ating mg̃a iniibig, sa hang̃ing sumisimoy sa ating tahanang bahay ó sa kinamulatang bayang mag-iing̃at ng̃ ating bung̃ô at mg̃a but-ó, ... ibig nating maramdaman ang pagcaunlac sa ibabaw ng̃ ating libing̃an, at ng̃ mapapag-init ng̃ canyáng mg̃a sinag ang calamigán ng̃ camatayan, ng̃ huwag namang totoong mauwi na ng̃a tayo sa wala, cung di may matirang anó mang macapagpapaalaala sa atin. Alin man dito'y walâ tayong maipang̃acò sa pumaparito upang mamanihalà ng̃ ating capalaran. At ang lalò pang kasamasamaan sa lahát ay nang̃agsisi-alis pagka nagpapasimulâ na ng̃ pagcaunawà ng̃ canilang catungculan. Ng̃uni't lumálayô tayo sa ating pinag-uusapan. —Hindî, bago tayo magbalíc sa pinag-uusapan natin ay kinacailang̃ang cong pagliwanaguin ang iláng mg̃a tang̃ing bagay,—ang dalidaling isinalabat ng̃ binatà. Mangyayaring sumang-ayon acóng hindî nakikilala ng̃ Pamahalaan ang calagayan, caugalian at minimithî ng̃ bayan, datapuwa't sa acala co'y lalong hindî nakikilala ng̃ bayan ang Pamahalaan. May mg̃a cagawad ang Pamahalaang walang cabuluhan, masasamâ, cung itó ang ibig ninyóng aking sabihin, datapuwa't mayroon namang mg̃a cagawad na magagalíng, at ang magagalíng na ito'y waláng magawâ, sa pagca't sumasaguitnâ sila ng̃ caramihang hindî gumágalaw, aayaw gumalaw, ang mg̃a mamamayan bagang bahagyâ, na nakikialam sa mg̃a bagay na sa canya'y nauucol. Ng̃uni't hindî acó naparito't ng̃ makipagmatuwiran sa inyo tungcol sa bagay na itó; naparito acó't ng̃ sa inyo'y huming̃ing cahatulan, at ang inyong sabi'y yumucód acó sa mg̃a diosdiosang catawatawá. —Tunay ng̃â, at itó rin ang aking inuulit, sa pagca't dito'y kinacailang̃ang ibabâ ang ulo ó pabayaang ilagpác. —¿Ibaba ang ulo ó pabayaang ilagpac?—ang inulit ni Ibarrang nag-iisip-isip.—Totoong napacahigpit ang páhirang̃ang iyán! Ng̃uni't ¿bakit? Diyata't ¿hindî ng̃â cayâ mangyayaring magcaayos ang pagsinta sa aking tinubuang lupa at ang pagsinta sa España? ¿Kinacailang̃an bagang magpacaîmbi upang maguing magalíng na binyagan, papang̃itin ang sariling budhi upang macagawa ng̃a ng̃ isáng magaling na panucalà? Sinisinta co ang aking tinubuang lúpà, ang Filipinas, sa pagca't siya ang pinapacacautang̃an co ng̃ buhay at ng̃ aking caligayahan, at sa pagca't dapat sintahin ng̃ lahat ng̃ tao ang canyang tinubuang lúpa; sinisinta co ang España, ang lupang tinubuan ng̃ aking magugulang, sa pagca't baga man sa lahat ng̃ bagay na nangyayari, pinagcacautang̃an siya at pagcacautang̃an ng̃ Filipinas ng̃ canyáng caligayahan at ng̃ canyang cagaling̃an sa panahong dárating; católico acó, nananatili sa aking dalisay ang pananampalataya ng̃ aking mg̃a magugulang, at hindî co maalaman cung anóng cadahilanan at aking ibábabâ ang aking úlo, gayóng mangyayari namang aking itunghay; cung anong cadahilanan at aking ihahayin ang aking ulo sa aking mg̃a caaway, gayong sila'y mangyayari co namang yurakin! —Sa pagca't na sa camay ng̃ inyóng mg̃a caaway ang linang na ibig ninyóng pagtamnan, at walâ cayóng lacás na mailalaban sa canilá.... Kinacailang̃an munang hagcan ninyó ang camay na iyang.... —¡Hagcán! Datapuwa't ¿nalilimutan na ba ninyong silasila ang pumatáy sa aking amá, at siya'y caniláng hinucay at inalis sa canyang libing̃an? Ng̃uni't acóng canyáng anác ay hindî co nalilimutan, at cung hindî co siya ipinanghihiganti'y, dahil sa liniling̃ap co ang capurihan ng̃ religión. Itinung̃ó ang úlo ng̃ matandáng filósofo. —Guinoong Ibarra.—ang canyang isinagót ng̃ madalang na pananalitá:—cung nananatili sa inyong alaala ang mg̃a gunitaing iyan, mg̃a gunitaing hindî co maihahatol na inyóng limutin; huwag pô ninyóng ipagpatuloy ang panucalang inyóng binabantang gawín, at hanapin ninyó sa íbang dáco ang icagagaling ng̃ inyóng mg̃a cababayan. Humihing̃i ang panucalà ninyo na ang ibang tao ang gumawâ, sa pagca't upang mayarì, hindi lamang salapi at hang̃ad na macayari ang kinacaìlang̃an; bucód sa rito'y kinacailang̃an dito sa ating lupaín ang pagca matiisin, malabis na catiyagaa't pagsusumicap at matibay na pag-asa, sa pagca't hindî nahahanda ang linang; pawang mg̃a dawag lamang ang nacatanim. Napag-uunawà ni Ibarra ang cahalagahan ng̃ mg̃a salitang itó; datapuwa't hindî siya macapanglulupaypá'y; na sa canyang gunita ang alaala cay María Clara; kinacailang̃ang mayari ang canyang inihandóg na pang̃acò. —¿Wala na bagáng ibang sa inyo'y maihatol ang dinanas ninyó cung di ang mahigpít na paraang iyan?—ang itinanong sa mahinang pananalita. Tinangnán siyá ng̃ matandáng lalaki sa bísig at saca siya dinalá sa bintanà. Isang hang̃ing malamig na pang̃unahin ng̃ timog ang siyang humihihip; nalalatag sa mg̃a mata niya ang halamang ang hangganan ay ang malawac na gubat na siyang pinacabacod. —¿Bakit pô ba hindî natin tutularan ang gawa niyáng mahinang catawán ng̃ halamang iyang humihitic sa dami ng̃ bulaclac at mg̃a búco?—anang filósofo, na itinuturò ang isang magandang púnò ng̃ rosa.—Pagcahumihihip ang hang̃in at ipinagwawagwagan siya, ang guinagawa niya'y yumúyucod, anaki'y itinatagò ang canyang mahalagang taglay. Cung manatili ang punò ng̃ rosa sa pagcatuwid, siya'y mababali, isasabog ng̃ hang̃in ang mg̃a bulaclac at maluluoy ang mg̃a búco. Pagcaraan ng̃ hang̃in, nananag-uli ang punò ng̃ rosa sa pagtuwid, at ipinagmamalaki ang canyang cayamanan, ¿sino ang sa canya'y macacapípintas dahil sa canyang pahihinuhod sa pang̃ang̃ailang̃an, sa macatuwid baga'y sa pang̃ang̃ailang̃ang pagyucod? Tan-awain po ninyo roon ang lubhang mayabong na cáhoy na "cúpang" na iyón, na iguinagalaw ng̃ boong cadakilaan ang canyang na sa caitaasang mg̃a dahong pinagpupugaran ng̃ lawin. Ang "cúpang" na iya'y dinala co ritong galing sa gubat ng̃ panahong siya'y mahinà pang usbóng; inalalayan co ang canyang catawan ng̃ maliliit na mg̃a patpat sa loob ng̃ di cacaunting panahón. Cung dinalá co rito ang cahoy na iyang malaki na't sagana sa buhay, wala ng̃ang salang hindi sana siya nabuhay: ipinagwagwagan disin siya ng̃ hang̃in ng̃ panahóng hindi pa nacacacapit ang canyang mg̃a ugat sa lupa upang macapagbigay sa canya ng̃ kinacailang̃ang icabubuhay, alinsunod sa canyang laki at taas. Ganyan din pô naman ang maguiguing wacas ninyo, halamang inacat na nanggalíng sa Europa at inilipat sa mabatóng lupaíng itó, cung hindî cayó hahanap ng̃ sa inyo'y aalalay, at hindî cayó magpapacalíit. Masama pô ang inyóng calagayan, cayó'y nag-íisá, mataas; umuugà ang lúpà, nagbabalità ang lang̃it ng̃ malakíng unós, at napakita ng̃ nacahihicayat ng̃ paglapit ng̃ lintíc ang maruruclay na dulo ng̃ inyong angcán. Hindî catapang̃an, cung di capang̃ahasang tacsil ang mag-isang makihamoc sa boong casalucuyang náririto; wala sino mang pumipintas sa pilotong nang̃úng̃ubli sa isang doong̃án sa unang hihip ng̃ hang̃ing nagbabalita ng̃ darating na bagyó. Hindî caruwagan ang yumucod cung nagdaraan ang punglo (bala); ang masama'y ang lumantad upang mahandusay at huwag na muling bumang̃on. —¿At magcacaroon cayâ ng̃ inaasahan cong bung̃a ang pag-amis sa sariling itó?—ang itinanóng ni Ibarra;—¿maniniwalà cayâ sa akin at lilimutin cayâ ng̃ sacerdote ang guinawâ co sa canyang pag-imbi? ¿Tunay ng̃â cayang tutulong sila sa akin sa icalalagô ng̃ pagpapaaral sa mg̃a batà, na siyáng makikipang̃agaw sa convento ng̃ mg̃a cayamanan ng̃ bayan? ¿Hindî caya mangyaring sila'y magpacunwarî ng̃ pakikipag-ibigan, magpaimbabaw ng̃ pagtatangkilic, at sa ilalim, sa mg̃a cadiliman ay siya'y bacahin, siraing unti-unti, sugatan ang canyang bucóng-búcong at ng̃ lalong madaling maibuwal siyá, cay sa labanan ng̃ pamukhaan? ¡Alinsunod sa iniacalà po ninyong mg̃a anyo'y maaasahang mangyayari ang lahat! Nanatili ang matandang lalaki sa hindî pag-imíc at hindî macasagót. Nag-isip-isíp ng̃ ilang sandalî at sacâ nagsalitâ ulî: —Cung gayón ang mangyari, cung maluoy ang inyóng panucalà, macaaaliw sa inyong hapis ang pagcaalam ninyong inyong guinawâ ang lahat ninyong macacaya, at gayon man ang cahinatna'y may cauntî ring pakikinabang̃in: itatag ang unang bató, magtanim, at marahil cung macaraan na ang sigabo ng̃ unós ay sumibol ang iláng butil, magnawnaw pagcalampas ng̃ capahamacán, máligtas ang angcan sa pagcapahamac at sa cawacasa'y maguing binhi ng̃ mg̃a anac ng̃ maghahalamáng namatay. Mangyayaring macapagpalacás ng̃ loob ang gayóng ulirán sa mg̃a ibáng nang̃atatacot lamang magpasimulâ. Pinaglininglining ni Ibarra ang mg̃a catuwirang itó, napagmasid ang canyáng calagayan at napagwaring totoong na sa catwiran ang matandáng lalaki sa guitnâ ng̃ canyang pagcamahiliguin sa paniniwala sa mapapanglaw na casasapitan ng̃ anó mang panucalà. —¡Naniwalâ acó sa inyó!—ang bigláng sinabi, at pinacahigpit ni Ibarra ang camay ng̃ matandáng lalakì.—Hindi nasayang ang aking pag-asang bibigyan pô ninyô acó ng̃ magalíng na cahatulán. Ng̃ayón dín ay paparoón acó sa cura't aking bubucsán sa canyá ang nilalaman ng̃ aking pusò, sa pagca't ang catotohana'y walà naman siyáng guinagawâ sa aking anó mang bágay na masamâ, sa pagca't hindî naman maguiguing cawang̃is na lahat ng̃ nag-usig sa aking amá. Bucód sa rito'y may ipakikiusap pa acó sa canyá tungcól sa icagagalíng niyáng culang palad na ulol na babaeng iyán at ng̃ canyáng mg̃a anác; ¡nananalíg acó sa Dios at sa mg̃a tao! Nagpaalam sa matandáng lalaki, sumacay sa cabayo at yumao. —¡Masdán nating magaling!—ang ibinulóng ng̃ mapag-isip ng̃ mapapanglaw na filósofo; na sinusundán si Ibarra ng̃ canyáng tanaw;—hiwatigan nating mabuti cung paano cayâ ang gagawín ni Capalarang pagyarì ng̃ pinasimulaang "comedia" sa libang̃an. —Ng̃ayo'y tunay na siya'y nagcacámali: pinasimulaan ang "comedia" ng̃ caunaunahan pa bago nangyari ang sa libing̃an. |
Teksto (Baybayin)
Ito ay nakasulat sa Baybayin. Kapag wala kang makita o puro kahon lamang, maaaring hindi naka-install ang font para sa Baybayin. Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang Wikibooks:Baybayin. |
Iba pang pamagat
Latin
- Sa Tahanan ng Pilosopo