Tagalog/Pangungusap: Pagkakaiba sa mga binago
Felipe Aira (usapan | ambag) m Reverted edits by 121.54.75.82 (Talk) to last version by 122.2.95.246 |
|||
Linya 52: | Linya 52: | ||
::::<font color= "#0038A8">Si Ding at Dang <font color="#0">ay <font color="#CE1126">matalino sa matematika<font color="#0">. |
::::<font color= "#0038A8">Si Ding at Dang <font color="#0">ay <font color="#CE1126">matalino sa matematika<font color="#0">. |
||
=====Payak na Simuno at Tambalang Panaguri===== |
|||
tama ang sinasabi dito |
|||
::Halimbawa: |
|||
maaaring it0'y maganda |
|||
::::<font color= "#0038A8">Si Toto <font color="#0">ay <font color="#CE1126"> matulungin at madasalin<font color="#0">. |
|||
== Headline text == |
|||
<nowiki>Insert non-formatte--~~~~ |
|||
---- |
|||
[[Larawan:[[Midya:Example.jpg]][[Midya:Example.ogg]]]]d text here</nowiki> |
|||
=====Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri===== |
=====Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri===== |
Pagbabago mula noong 11:09, 13 Nobyembre 2008
Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.
Mga Bahagi ng Pangungusap
Simuno o Paksa
Ang Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng paadiwa.
- Halimbawa:
- Naglalaro si Crisanto ng chess. (gumanap ng kilos)
- Inihaw ni Wilson ang mga nahuling isda (pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa)
- Si Melody ay kumakanta sa plaza ngayon.
- Halimbawa:
Panaguri
Ang Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
- Ito ay maaaring:
- panaguring pangngalan
- panaguring panghalip
- panaguring pang-uri
- panaguring pandiwa
- panaguring pang-abay
- panaguring pawatas
- Ito ay maaaring:
- Halimbawa:
- Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas. (pangngalan)
- Sila ang aawit sa misa. (panghalip)
- Malulusog ang anak niyang kambal. (pang-uri)
- Naglalabada ang kanyang ina. (pandiwa)
- Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat. (pang-abay)
- Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan niya. (pawatas)
- Halimbawa:
Mga Kayarian ng Pangungusap
Payak
Ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.
- Halimbawa:
- Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.
- Halimbawa:
Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap
Payak na Simuno at Payak na Panaguri
- Halimbawa:
- Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.
- Halimbawa:
Tambalang Simuno at Payak na Panaguri
- Halimbawa:
- Si Ding at Dang ay matalino sa matematika.
- Halimbawa:
Payak na Simuno at Tambalang Panaguri
- Halimbawa:
- Si Toto ay matulungin at madasalin.
- Halimbawa:
Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri
- Halimbawa:
- Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at makaibigang bansa.
- Halimbawa:
Isang sambitla na may patapos na himig sa dulo
- Halimbawa:
- Umuulan!
- Sunog!
- Halimbawa:
Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig o paggamit ng tuldukwit (;).
- Halimbawa:
- Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi gumagawa ng takdang-aralin; samantalang ang karamihan ay gumagawa.
- Halimbawa:
Hugnayan
Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
- Halimbawa:
- Ang manggagawang ginantimpalaan dahil sa kanyang kasipagan sa pagtatrabaho sa kompanya ay nanay ni Randy.
- Halimbawa:
Langkapan
Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapagiisa.
- Halimbawa:
- Tayong mga magkakagrupo ay kailangang magtulungan para mabilis nating matapos ang ating gawain.
- Dahil sa tayo ang mamamayan ng Pilipinas, kailangan nating magtulungan upang tumatag ang ekonomiya.
- Halimbawa:
Mga Ayos ng Pangungusap
Karaniwang Ayos
Ang panaguri ay nauuna sa simuno.
- Halimbawa:
- Mabilis magsampay ng damit si Nena.
- Halimbawa:
Di-karaniwang Ayos
Ang simuno ay nauuna sa panaguri. Kapunapuna ang paggamit ng ay pagkatapos ng simuno sa pangungusap.
- Halimbawa:
- Si Nena ay mabilis na nagsampay ng damit.
- Halimbawa:
Paraan ng Pagpapalawak ng Pangungusap
Batayang Pangungusap: Nag-aral si Engelbert sa math.
Lagyan ng mga paningit
Kabilang sa mga paningit ay ang mga salitang: daw, kaya, ba, sana, at iba pa.
- Halimbawa:
- Nag-aral kaya sa math si Engelbert?
- Halimbawa:
Gumamit ng pang-uri bilang panuring
- Halimbawa:
- Nag-aral ng mabuti sa math ang batang si Engelbert.
- Halimbawa:
Gumamit ng pang-abay bilang panuring
- Halimbawa:
- Nag-aral ng mabuti sa math si Engelbert para sa darating na kompetisyon.
- Halimbawa:
Mga Uri ng Pangungusap
Paturol
Ito ay nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan. Nagtatapos sa bantas na tuldok (.).
- Halimbawa:
- Ang Asya ang pinakamalaking kontinente.
- Ang mga kabataan ngayon ay mahilig magbulakbol.
- Ang EDSA Shrine ay dausan ng mga pag-aaklas.
- Halimbawa:
Pautos
Ito ay naghahayag ng utos o kahilingan. Nagtatapos din a bantas na tuldok(.)
- Halimbawa:
- Dalhan mo ako ng pasalubong.
- Halimbawa:
Anyo ng Pautos
Pautos na Pananggi
Pinangungunahan ng salitang "huwag".
- Halimbawa:
- Huwag kang lalabas ng bahay.
- Halimbawa:
Pautos na Panag-ayon
Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.
- Halimbawa:
- Ipaluto mo si Marissa ng tinola.
- Halimbawa:
Patanong
Ito aynagsasaad ng isang katanungan.
Anyo ng Patanong
Patanong na masasagot ng OO o Hindi
- Halimbawa:
- Kumain ka na ba?
- Halimbawa:
Pangungusap na Patanggi ang Tanong
- Halimbawa:
- Hindi ka ba papasok?
- Hindi ka ba kakain dito?
- Halimbawa:
Gumagamit ng Panghalip na Pananong
Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: ano, alin, sino, saan at iba pa.
- Halimbawa:
- Ano ang iyong kinain kanina?
- Alin ang pipiliin mo?
- Halimbawa:
Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong
- Halimbawa:
- Siya ba ay pupunta rin?
- Tayo ba ay aalis na?
- Halimbawa:
Tanong na may Karugtong o Pabuntot
- Halimbawa:
- Kumain ka na, hindi ba?
- Dumaan ka na dito, hindi ba?
- Halimbawa:
Pakiusap
Ito ay nagsasaad o nagpapahayag ng pakiusap.
- Halimbawa:
- Maaari po kayong umupo.
- Pakibuksan mo nga itong lata ng sardinas.
- Maaari po ba akong lumabas bukas?
- Halimbawa:
Panamdam
Ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin.
- Halimbawa:
- Hala!
- Aba!
- Ha!
- Hoy!
- Gising!
- Naku!
- Magnanakaw!
- Halimbawa:
Pangungusap na Walang Simuno
Pandamdam
Nagpapahayag ng matinding damdamin.
- Halimbawa:
- Ay mali!
- Aray!
- Halimbawa:
Pakiusap
Nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap.
- Halimbawa:
- Pakiabot nga.
- Halimbawa:
Eksistemsyal
Ito ay pahayag na ginagamitan ng may, mayroon o wala.
- Halimbawa:
- May tao sa loob.
- Mayroon daw ganito roon.
- Halimbawa:
Temporal
Ito ay nagsasaad ng sagot tungkol sa panahon.
- Halimbawa:
- Sa Linggo.
- Mamaya.
- Halimbawa:
Penomenal
Ito ay nagpapahayag ng pangyayari.
- Halimbawa:
- Lumindol sa Africa.
- Bumabagyo sa Bikol.
- Halimbawa:
Pormulasyong Panlipunan
Ito ay nagpapahayag ng paggalang.
- Halimbawa:
- Makikiraan po.
- Tao po.
- Salamat po.
- Halimbawa: