Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa tibi
< Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi(Nakaturo mula sa Lunas sa tibi)
Jump to navigation
Jump to search
Ang tibi ay isang kalagayan ng pagpapalabas ng dumi nang may kahirapan at mahabang panahon ng pagitan.
Abiso[baguhin]
- Magkaroon ng regular na panahon sa pag-upo sa toilet bowl at magrelaks. Umupo sa panahon bagaman hindi mo nadarama na kailangan ito.
- Mag-ehersisyo nang regular araw-araw.
- Kumain nang maraming berde at madahong gulay at mga sariwang prutas.
Paggamot ng Tubig[baguhin]
- Uminom nang mga 8 o higit pang baso ng tubig sa araw. Uminom ng 2 baso ng tubig pagkagising sa umaga at isang baso bago matulog.
- Maglabatiba, at dukutin ang dumi kung ito ay buo. (Paraan)
Paggamot ng Halaman[baguhin]
Kangkong[baguhin]
- Ubusin ang 2 tasa ng nilagang dahon sa panahon ng pagkain.
Malunggay[baguhin]
- Kumain ng isang tasa ng nilagang dahon sa panahon ng pagkain.
Hinog na Papaya[baguhin]
- Kumain ng isang malaking hiwa nito tuwing agahan.
Kampanilya[baguhin]
![]() |
Pakuluan ng 10 minuto ang 5 dahon sa 2 basong tubig. |
![]() |
Dosis: Matanda: 1 baso, 2 ulit maghapon. Bata: (7-12 taon) : 1 tasa, 2 ulit maghapon. (2-6 taon) 1 kutsara, 2 ulit maghapon. |