Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa talamak na kuto sa ulo
Itsura
Ang kuto ay isang maliit, lapad, at walang pakpak na insekto na lumilikha ng nakababagot na pangangati ng anit.
Paggamot sa Kuto
[baguhin]- Siyampuhin ang buhok ng gugo o anumang siyampong komersyal, mas mainam kung siyampong pang kuto.
- Karakarakang makapagsiyampo. Suklayin ng suyod ang buhok upang alisin ang buhay na kuto.
- Kung maaari, magsiyampo araw-araw sa loob ng isang Iinggo at suyurin ang buhok 2 beses maghapon at panatilihing laging malinis sa panga-ngatawan.
- Upang maalis ang mga lisa, basain ang buhok ng mainit na suka, 30 minuto bago magsiyampo. Suyuring mabuti ang buhok.
- Bago matulog sa gabi kuskusing mabuti ang ulo at buhok ng langis mula sa pinaghalong ½ tasa ng dinikdik na buto ng atis at ¼ na tasang langis. Balutin ang ulo ng malinis na damit at bayaan ito sa buong magdamag. Siyampuhin ang buhok kinabukasan at suyurin Ito pagkatapos.
- Gawin ito araw-araw sa loob ng 3 hanggang 5 araw o hanggang ang lahat ng kuto at lisa ay mamatay. Patayin ang mga ito kapag naalis na sa buhok.
- Panatilihing malinis at suklaying mabuti ang buhok. Huwag gumamit ng suklay ng iba. Huwag matulog na kasama ng may kuto.