Lunas sa paso

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang paso ay kapinsalaan sa balat at laman bunga ng init, radyasyon, pagkikiskisan o elektrisidad.

Paggamot ng Tubig[baguhin]

  • Dagling ibabad ang napasong bahagi sa malamig na tubig sa loob ng 10 minuto upang maibsan ang sakit.
  • Kung mayroong mga Iintos, huwag itong tusukin. Panatilihin itong tuyo at malinis. Huwag bayaang maalikabukan o kaya ay dapuan ng langaw. Takpan ang may pinsalang bahagi ng malinis na damit.
  • Kung malaking bahagi ng katawan ang napaso, dalhin agad ang pasyente sa pinakamalapit na pagamutan.
  • Kung ang paso ay maliit lamang, ibabad ito sa tubig na may asin sa loob ng 20 minuto pagkaraan ng 24 oras. Haluan ng ½ tasang asin ang isang palanggana o kaya'y isang timba ng mainit-init na tubig. Ibabad ang napasong bahagi minsan isang araw sa loob ng 3 araw hanggang matuyo ang paso.

Paggamot ng Halaman[baguhin]

Sabila[baguhin]

PharmacistsMortar.svg Sabunin at hugasan ang sabila. Dikdikin ito at katasin.
  Purple-nitrile-glove.jpg Lagyan ng katas ng sabila ang bahaging may pinsala Jrpagkatapos na maibabad sa malnit-init na tubig na may asin, minsan isang araw.