Pumunta sa nilalaman

Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa mga tigihawat o akne

Mula Wikibooks

Ang tigihawat ay isang sakit sa balat, na karaniwan sa mga kabataan. Napagkikilala ito sa pamamagitan ng mga namumuong patay na selula na kung minsan ay namamaga at tila malalangis-langis na mga butlig. Karaniwan itong sumisibol sa mukha, dibdib at likod.

Paggamot ng Tubig

[baguhin]
  • Hugasang mabuti ang mukha ng maligamgam na tubig. Gumamit ng sabong hindi matapang. Gawin ito ng 3 ulit maghapon.
  • Pagkatapos na hugasan, pasingawan ang mukha minsan isang araw sa loob ng 15 minuto.
  • Iwasang hawakan ang mukha ng mga daliri. Gayon din, huwag titirisin ang mga tagihawat.
  • Uminom ng maraming tubig at katas ng prutas.
  • Matulog nang sapat, mga 7 hanggang 8 oras, araw-araw.
  • Iwasan ang matatamis at magawgaw na pagkain, mga tsokolate at nuwes. Kumain ng saganang gulay at prutas.

Paggamot ng Halaman

[baguhin]

Papaya at Kalamansi

[baguhin]
Paghaluin ang 3 kutsara ng minasang hinog na papaya at 1 kutsarang katas ng kalamansi.
   Lagyan nito ang mukha tuwing matapos hugasan. Panatilihin ito hanggang 30 minuto; pagkatapos, hugasan ng maligamgam na tubig. Kung magagawa, panatilihin ito sa buong magdamag.

Sabila

[baguhin]
Kumuha ng isang dahon at alisin ang panlabas na balat.
   Ikuskos ang katas sa mukha tuwing ito'y matapos na hugasan ng mainit-init na tubig. Panatilihin ito sa loob ng 30 minuto, o kaya ay sa buong magdamag, kung matitiis.

Romero

[baguhin]
Kumuha ng 5 dahon; durugin at katasin.
   Ipahid ang katas sa mukha pagkatapos na hugasan ng maligamgam na tubig. Panatilihin ito sa buong magdamag.