Pumunta sa nilalaman

Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa mga naknak at pigsa

Mula Wikibooks

Ang naknak (abscess) ay pinakagitna ng nagtitipung nana sa loob ng isang tisyu.
Ang pigsa ay isang purungkol (furuncle). Ang pigsa at naknak ay may kaalinsabay na pananakit, init at pamamaga.

Paggamot ng Tubig

[baguhin]
  • Mainit na pomento sa loob ng kalahating oras, dalawang ulit maghapon hanggang sa ang mga ito ay mahinog. (Paraan).
  • Maupo sa mainit na tubig sa loob ng kalahating oras, dalawang ulit maghapon. kung ang naknak o pigsa ay nasa puwit o palibot nito. (Paraan).

Paggamot ng Halaman at iba pa

[baguhin]

Alugbati

[baguhin]
Magdikdik ng 2 dahon at lagyan ng alcohol.
   Itapal, sampung ulit maghapon.

Amarillo

[baguhin]
Magdikdik ng 3 dahon at 2 bulaklak.
   Itapal, dalawang ulit maghapon.

Langka

[baguhin]
Kumuha ng kaunting dagta mula sa puno at haluan ng kaunting suka.
   Painitin at gamiting pampomento. Gumamit ng mga maliliit na pirasong malinis na damit o kaya ay gasa sa pagpopomento ng 20 minuto, dalawang ulit maghapon.

Sambong

[baguhin]
Magdikdik ng 5 dahon.
   Itapal, dalawang ulit maghapon.