Pumunta sa nilalaman

Kasaysayan ng Daigdig/Kulturang Global/Renaissance sa Italya

Mula Wikibooks

Ang Renaissance at Repormasyon at ang Muling Pagsilang ng Europa

Panimula. Malaking dagok sa sibilisasyong Europeo, partikular na sa sistemang pyudal na noo'y naghihingalo na, ang mga digmaan at salot na naganap noong mga huling bahagi ng Edad Media. Dahil dito'y nagsimulang mabagabag sa kanilang kasalukuyang kalagayan ang mga mamamayan lalo na sa mga serf o mga bayarang-alipin, at nagsimulang kuwestiyonin ng mga intelektwal ang pundasyon ng kanilang lipunan, pangunahin na ang mga turo ng simbahan. Maraming pagbabago ang naganap sa balangkas ng sibilisasyon sa Europa mula ika-14 hanggang ika-17 siglong—panahong madalas tawagin ng mga iskolar bilang Renaissance.

Ang Italya bilang Sentro ng Kultura

[baguhin]

Ang paglago ng kultura ng buong kontinente mula 1300-1600, kasabay ng paglaganap ng mga bagong ideya at likha sa sining, pilosopiya, at agham, ang bumubuo sa panahon ng Renaissance, na halaw sa salitang Pranses na ang ibig-sabihi'y "muling pagsilang"—sa kontekstong ito'y ang muling pagsilang ng isang buong sibilisasyon. Sinasabing nagsimula ito sa Italya noong 1300 at tuluyang lumaganap pahilaga sa loob ng tatlong siglo matapos nito. Ngunit bakit sa Italya at hindi sa ibang bahagi ng Europa?

Sa Italya, matatagpuan ang ilan sa pinakamatagumpay na lungsod-estado, katulad ng Venice at Florence, noong ika-14 na siglo na lumago dulot ng matagumpay na komersyong pandagat sa Mediteranéo.

Talasalitaan

[baguhin]

Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita:

    • Renaissance
    • humanisiiiimo
    • t.a.a.n.n.g.g.a.a ka huum
    • sekular
    • bernakular

Mga Gabay na Tanong

[baguhin]
  1. Ipaliwanag ang teoryang politikal ni Machiavelli.
  2. Paano nabago ang pilosopiya ng sining noong Renaissance?
  3. Basahin ang sumusunod na sipi mula kay Machiavelli:

Debbe ancora uno principe monstrarsi amatore delle virtù, et onorare li eccellenti in una arte. Appresso, debbe animare li sua cittadini di potere quietamente esercitare li esercizii loro, e nella mercanzia e nella agricultura, et in ogni altro esercizio delli uomini, e che quello non tema di ornare le sua possessione per timore che le li sieno tolte, e quell'altro di aprire uno traffico per paura delle taglie; ma debbe preparare premi a chi vuol fare queste cose, et a qualunque pensa, in qualunque modo ampliare la sua città o il suo stato. Debbe, oltre a questo, ne'tempi convenienti dell'anno, tenere occupati è populi con le feste e spettaculi. E, perché ogni città è divisa in arte o in tribù, debbe tenere conto di quelle università, raunarsi con loro qualche volta, dare di sé esempli di umanità e di munificenzia, tenendo sempre ferma non di manco la maestà della dignità sua, perché questo non vuole mai mancare in cosa alcuna.