Champorado

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 tasa bigas na malagkit
3 kutsara cocoa (pulbos o buo dipende)
5 tasa tubig
1 tasa asukal
1 tasa gatas ebaporada

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Hugasan ang malagkit na bigas at patuluin.
  2. Idagdag ang cocoa at tubig sa sinalang na kaning malagkit.
  3. Halu-haluin habang kumukulo.
  4. Idagdag ang asukal at gatas.
  5. Haluin at lutuin pa ng 2 minuto.