Tagalog/Pantukoy
Mula sa Wikibooks
< Tagalog
|
Ang Pantukoy ay ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan. Ito ay tinatawag na Article sa wikang Ingles.
[baguhin] Uri ng Pantukoy
[baguhin] Ang, Ang mga
Ito ay ang pantukoy sa ngalan ng bagay, lunan o pangyayari.
-
- Halimbawa:
-
- Ang kotse ni Raul ay maganda.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Si, Sina
Ito ay mga pantukoy ukol sa ngalan ng tao.
-
- Halimbawa:
-
- Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
- Sina Rizal at Bonifacio ay magigiting na mga bayani.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Ng, mga, Ni, Nina, Kay, Kina, Sa, Sa mga
Ito ay tumutukoy sa mga tao o bagay na nagmamay-ari ng alinmang bagay.
-
- Halimbawa:
-
- Kay Maria ko ibibigay ang mga rosas na ito.
- Sa mga lilipat, mag-ingat po sa dadaanang tulay.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Wastong Gamit ng Pantukoy
-
- Kapag isahan ang pangngalan, ang pantukoy ay dapat pang-isahan din.
-
- Halimbawa:
-
- Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.
-
- Halimbawa:
-
- Kung maramihan ang simuno, ang pantukoy ay dapat pangmaramihan din.
-
- Halimbawa:
-
- Ang mga niluto ni Nene ay para kina Juan at Pedro.
-
- Halimbawa:
-
- Ang pangngalang pambalana na isahan ay nangangailangan ng pantukoy na isahan at pambalana.
-
- Halimbawa:
-
- Ang magandang relo ay suot ni Walter.
-
- Halimbawa:
-
- Kung ang pangngalang pambalana ay pangmarami, ang pantukoy ay pangmaramihan din.
-
- Halimbawa:
-
- Ang mga tulip sa Ottawa ay tulad ng mga nasa Holland.
-
- Halimbawa:
-
- Maaaring gumamit ng dalawang pantukoy kung ang ikalawa'y umuuri sa unang pangngalan.
-
- Halimbawa:
-
- Ang mga Katipunero ang nagtatag ng katipunan.
-
- Halimbawa: