Tagalog/Pangungusap

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.


Ang Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Naglalaro si Crisanto ng bola. (gumanap ng kilos)
Inihaw ni Wilson ang mga nahuling isda (pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa)
Si Melody ay kumakanta sa entablado ngayon.
Si Ana ay nagbabasa ng kanyang paburitong libro.
Si Aadriyan ay nagpapagupit ng kanyang buhok.

Panaguri[baguhin]

Ang Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.

Ito ay maaaring:
  • panaguring pangngalan
  • panaguring panghalip
  • panaguring pang-uri
  • panaguring pandiwa
  • panaguring pang-abay
  • panaguring pawatas
Halimbawa:
  • Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas.
  • Sila ang aawit sa misa.
  • Malulusog ang anak niyang kambal.
  • Naglalaba ang kanyang ina.
  • Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat.
  • Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan niya.

Mga Kayarian ng Pangungusap[baguhin]

Payak[baguhin]

Ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.

Halimbawa:
Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.

Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap[baguhin]

Payak na Simuno at Payak na Panaguri[baguhin]
Halimbawa:
Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.
Tambalang Simuno at Payak na Panaguri[baguhin]
Halimbawa:
Sina Ding at Dang ay matatalino sa matematika.
Payak na Simuno at Tambalang Panaguri[baguhin]
Halimbawa:
Si Edu ay matulungin at madasalin.
Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri[baguhin]
Halimbawa:
Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at makaibigang bansa.
Isang sambitla na may patapos na himig sa dulo[baguhin]
Halimbawa:
OOH AAHHH!
SUNOG!

Tambalan[baguhin]

Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig o paggamit ng tuldukwit (;).

Halimbawa:
Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi gumagawa ng takdang-aralin; samantalang ang karamihan ay gumagawa.

Langkapan[baguhin]

Ito ay binubuo ng dalawa o higit na sugnay na makapag-iisa at isa o higit na sugnay na di makapag-iisa.

Halimbawa:
Tayong mga masisipag ay kailangang magtulungan para mabilis nating matapos ang ating gawain.

Mga Ayos ng Pangungusap[baguhin]

Karaniwang Ayos[baguhin]

Nauuna ang panag-uri kaysa sa simuno. Halimbawa: Kinagat ng aso si Toto.

Di-karaniwang Ayos[baguhin]

Ang simuno ay nauuna sa panaguri. Kapunapuna ang paggamit ng ay pagkatapos ng simuno sa pangungusap. Halimbawa: Si Toto ay kinagat ng aso.

Paraan ng Pagpapalawak ng Pangungusap[baguhin]

Batayang Pangungusap: Nag-aral si Engelbert sa math.

Lagyan ng mga paningit[baguhin]

Kabilang sa mga paningit ay ang mga salitang:   daw,    kaya,    ba,    sana,   at iba pa.

Halimbawa:
Nag-aral kaya sa math si Mayeth?

Gumamit ng pang-uri bilang panuring[baguhin]

Halimbawa:
Nag-aral nang mabuti sa math ang batang si Mayeth.

Gumamit ng pang-abay bilang panuring[baguhin]

Halimbawa:
Nag-aral ng mabuti sa math si Engelbert para sa darating na kompetisyon.


Mga Uri ng Pangungusap[baguhin]

Pasalaysay[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan. Nagtatapos sa bantas na tuldok (.).

Halimbawa:
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente.
Ang mga kabataan ngayon ay mahilig magbulakbol.
Ang EDSA Shrine ay dausan ng mga pag-aaklas.

Pautos[baguhin]

Ito ay naghahayag ng utos o kahilingan. Nagtatapos din a bantas na tuldok(.)

Halimbawa:
Dalhan mo ako ng pasalubong.

Anyo ng Pautos[baguhin]

Pautos na Pananggi[baguhin]

Pinangungunahan ng salitang "huwag".

Halimbawa:
Huwag kang magalala
Pautos na Panag-ayon[baguhin]

Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.

Halimbawa:
Ipagluto mo si Marissa ng tinola.

Patanong[baguhin]

Ito aynagsasaad ng isang katanungan.

Anyo ng Patanong[baguhin]

Patanong na masasagot ng OO o Hindi[baguhin]
Halimbawa:
Kumain ka na ba?
Pangungusap na Patanggi ang Tanong[baguhin]
Halimbawa:
Hindi ka ba papasok?
Hindi ka ba kakain dito?
Hindi ka ba aalis?
Gumagamit ng Panghalip na Pananong[baguhin]

Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang:    ano,    alin,    sino,    saan    at iba pa.

Halimbawa:
Ano ang iyong kinain kanina?
Alin ang pipiliin mo?
Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong[baguhin]
Halimbawa:
Siya ba ay pupunta rin?
Tayo ba ay aalis na?
Tanong na may Karugtong o Pabuntot[baguhin]
Halimbawa:
Kumain ka na, hindi ba?
Dumaan ka na dito, hindi ba?


Pakiusap[baguhin]

Ito ay nagsasaad o nagpapahayag ng pakiusap.

Halimbawa:
Maaari po kayong umupo.
Pakibuksan mo nga itong lata ng sardinas.
Maaari po ba akong lumabas bukas?

Padamdam[baguhin]

Ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
Hala!
Aba!
Ha!
Hoy!
Gising!
Naku!
ay!!!
pusang gala naman oh!!!

Pangungusap na Walang Paksa[baguhin]

Pandamdam[baguhin]

Nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
ang pangit mo talaga!

Pakiusap[baguhin]

Nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap.

Halimbawa:
Pakiabot nga.

Eksistensyal[baguhin]

Ito ay pahayag na ginagamitan ng may, mayroon o wala.

Halimbawa:
May tao sa loob.

Temporal[baguhin]

       nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian karaniwan na itong mga adverbial 
     na nagsasabi ng.......

   *Oras,araw, petsa
             halimbawa:     Umaga na.
                            Bukas ay Sabado.
                            Ala sais pa lang ng umaga.
                            Ika-8 ng pebrero ngayon.


    *Panahon, selebrasyon
              halimbawa:    Bagong taon na bukas
                            Kaarawan ko sa makalawa.
                            Pasko na sa Lunes
                            Magbabakasyon lang.

Penomenal[baguhin]

Ito ay nagpapahayag ng pangyayari.

Halimbawa:
Lumindol sa Africa.
Bumabagyo sa Bikol.

Pormulasyong Panlipunan[baguhin]

Ito ay nagpapahayag ng paggalang.

Halimbawa:
Makikiraan po.
Tao po.
Salamat po.
walang anuman.
sorry.