Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa eksema

Mula Wikibooks

Ang eksema ay isang talamak o kaya ay pangmatagalan, di-nakakahawa, makati at namama-magang karamdaman ng balat. Nagkikilala ito sa pamamagitan ng di-regular at pabagu-bagong kalagayan ng nanunuklap-nuklap at namamaga-magang sugat sa balat.at nag nananang sugat

Paggamot ng Tubig na may kasamang Halamang Gamot[baguhin]

Pandakaking puti[baguhin]

Pakuluan ng 10 minuto ang 3 tasang tinadtad na dahon sa isang galong tubig. Dagdagan ng 2 galong mainit na tubig.
Ibabad dito ang mga paang may kapansanan. (Paraan).


Kulitis[baguhin]

Pakuluan ng 15 minuto ang 3 tasang tinadtad na mga sariwang dahon sa 5 basong tubig. Basain dito ang isang maliit na bimpo (face towel).
   Gamitin itong pang-pomento sa eksema sa loob ng 30 minuto. (Paraan).

Takip-kuhol[baguhin]

   Magtadtad ng 10 dahon.
   Itapal sa bahaglng may eksema pagkaraan ng pomento o pagbabad sa mainit na tubig.

Kakaw[baguhin]

   Magsangag ng 10 buto at dikdikin.
   Itapal sa bahaging may kapansanan pagkatapos ng pomento o pagbabad sa main;t na tubig.