Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Mainit na pomento

Mula Wikibooks

Pakahulugan[baguhin]

Ang paglalapat ng init sa isang maliit na bahagi sa pamamagitan ng mainit na gasa o damit pampomento.

Mga Nagagawa[baguhin]

  • Pinabibilis ang sirkulasyon ng dugo sa isang bahagi ng katawan.
  • Pinahuhupa ang kirot.
  • Binabawasan ang paninikip.

Mga Bagay na Kailangan[baguhin]

  • Isang palanggana ng mainit na tubig (40°C), o kasing-init na kayang tiisin.
  • Gasa o damit na pampomento (Iabakara o bimpo) o anumang malinis na piraso ng damit.
  • Solusyon ayon sa tagubilin. Maaaring gumamit ng pinakuluang mga dahon ng bayabas para sa naimpeksyong sugat.
  • Mga lumang diyaryo para sa mga nagamit na mga bendahe.
  • Langis o krema para sa sanggol (gamitin lamang para sa pomento sa mata).

Paraan[baguhin]

  1. Magpakulo ng tubig o mga dahon ng bayabas kung ang pomento ay para sa sugat na may impeksyon.
  2. Lagyan ng langis o krema para sa sanggol ang noo at talukap ng mata, kung ang pomento ay sa mata.
  3. Pigain ang pomento na itinubog sa mainit na tubig o solusyon. Hawakan ang magkabilang dulo ng damit na pampomento at pilipilin nang bahagya. Ilubog ito sa mainit na tubig o solusyon at pilipitin nang mahigpit na hinihila ang magkabilang dulo upang maalis ang tubig.
  4. lIapat nang banayad ang pomento sa bahaging gagamutin.
  5. Palitan ang pomento tuwing 3 minuto. Ang pomentong ginamit sa sugat na may impeksyon ay huwag gamiting muli.
  6. Ipagpatuloy ang pomento hanggang 15 o 20 minuto, na inuulit tuwing 3 minuto. Panatilihing mainit ang tubig o solusyon.
  7. Pagkatapos, alisin ang pomento; patuyuin ang bahaging pinomentuhan.
  8. Pahiran ng gamot o ointment ayon sa tagubilin ng doktor ang mga sugat na may impeksyon, pigsa at ulser.
  9. Lagyan ng esterilisadong gasa at panatilihing tuyo.



   PAG-IINGAT: Huwag maglalagay ng mainit na pomento kung may pagdurugo.