Vegetable Chowder

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

¼ tasa mantikilya
1 tasa tinadtad na sibuyas
2 tasa tinadtad na kamatis (banlian, balatan at tanggalan ng buto bago tadtarin)
1 tasa hiniwang okra
8 tasa cream soup
1 tasa hiniwang pakuwadradong siling berde
¼ kutsarita paprika
1 kutsarita brown sugar
1 tasa cream
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantikilya sa kaserola at igisa ang sibuyas hanggang lumambot.
  2. Isama ang kamatis at okra.
  3. Sangkutsahin.
  4. Ibuhos ang sabaw at pakuluin.
  5. Hinaan ang apoy.
  6. Idagdag ang siling berde, paprika at brown sugar.
  7. Lutuin pa ng 5 minuto bago ihalo ang cream.
  8. Huwag hayaang kumulo.
  9. Timplahan ayon sa panlasa.