Vegetable Au Gratin

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

½ kilo cauliflower, nilinis at hiniwa
2 tasa tubig na may
¼ kutsarita asin
1 tasa bechamel sauce
½ tasa ginadgad na keso

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Banlian ang cauliflower sa tubig na may asin.
  2. Ilipat sa isang baking pan na pinahiran ng mantikilya.
  3. Painitin ang bechamel sauce.
  4. Ihalo ang kalahati ng keso.
  5. Ibuhos sa ibabaw ng cauliflower.
  6. Budburan ng natitirang keso.
  7. Ipasok sa oven at lutuin hanggang matunaw ang keso at medyo pumula ang ibabaw.