Ukoy

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 kilo hipong maliliit o tagonton
1 kutsara asin
¼ kutsarita paminta
½ tasa cornstarch
1 tasa mantika pamprito

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Hugasan at patuluin ang tagonton o hipong maliliit.
  2. Ihalo ang asin, paminta at cornstarch.
  3. Maglagay ng 2 kutsara sa isang platito.
  4. Ihulog sa mainit na mantika at iwasang kumalat.
  5. Iprito hanggang lumutong.
  6. Patuluin.
  7. Ulitin ang ganitong paraan para sa natitirang tagonton o hipong maliliit.
  8. Ihain kasama ng sawsawang suka at dinikdik na bawang o tinadtad na sibuyas.