Ube Halaya

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 kilo ube
1 lata gatas evaporada
1 lata gatas condensada
1 lata coconut milk o katas ng niyog
½ kutsarita vanilla

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pakuluan sa tubig ang may balat pang ube ng 30 minuto. Isalin at palamigin.
  2. Balatan at kudkurin ng pino.
  3. Painitan ang kawa sa katamtamang init ng apoy.
  4. Tunawin ang mantikilya, idagdag ang gatas condensada at vanilla. Haluing mabuti.
  5. Idagdag ang kinudkud na ube.
  6. Hinaan ang apoy.
  7. Ipagpatuloy ang paghahalo ng 30 minuto o hanggang sa lumapot at medyo nanunuyo na.
  8. Idagdag ang gatas evaporada at ipagpatuloy ang paghahalo ng 15 minuto ng hindi manikit sa kawa.
  9. Palamigin at isalin sa maliking bandehado o hulmahan.
  10. Palamigin sa refrigerator bago ihain.

Dagdag kaalaman[baguhin]

  • Maaring pahiran ng mantikilya o margarina ang ibabaw ng halaya bago ihain.
  • Kung gustong mas tumamis, maaring budburan ng asukal ang ibabaw ng halaya makaraang isalin ito sa bendehado o hulmahan habang mainit-init pa.
  • Sa halip na kudkurin, putul-putulin ng parisukat ang ube at i-blender, mas magiging pino ang pagkadurog nito.