Tupig

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

4 piraso matatandang niyog (kinudkod)
1 piraso batang niyog (kinudkod)
¼ tasa sinangag na sesame seeds
4 tasa tubig
1 kilo arina
¾ tasa molasses

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Lagyan ng tubig ang kinudkod na matandang niyog at pigain upang makuha ang gata.
  2. Salain at itabi. Idagdag ang mga natitirang sangkap sa gata ng niyog. Haluin ng maigi.
  3. Ibuhos ito sa pinainitang dahon ng saging.
  4. Biluhin at lagyan ng sarado ang mga dulo.
  5. Iluto sa uling ng 15-20 minuto.