Tsampoy na Sampalok

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 tasa hinog na sampalok
2 tasa asukal
2 tasa nilaga at niligis (pinalambot sa pamamagitan ng pagdurog o pagpirat) na kamote
2 kutsara asin
2 tasa tubig

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Tunawin ang asin sa tubig.
  2. Paghaluin lahat ng mga sangkap sa isang kawali.
  3. Lutuin sa katamtamang init habang tuloy-tuloy na hinahalo hanggang kumunat.
  4. Palamigin at pagbilu-bilogin.
  5. Ipagulong sa asukal at ibalot sa cellophane.