Tomato Florentine

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

10 piraso malalaking kamatis
1 kilo spinach, inalisan ng tangkay
2 kutsara mantikilya
1 tasa tinadtad na sibuyas
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Putulin ang ibabaw ng mga kamatis.
  2. Alisin ang laman nito ng hindi sinisira ang labas.
  3. Pahiran ng kaunting mantikilya ang isang 13 x 9-inch na rectangular pan.
  4. Iayos dito ang mga kamatis.
  5. Hugasan ang mga dahon ng spinach at banlian sa inasnang tubig.
  6. Hanguin at ihulog sa malamig na tubig.
  7. Patuluin at pigain para matanggal ang sobrang tubig.
  8. Tadtarin.
  9. Painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
  10. Isama ang spinach at timplahan.
  11. Lutuin ng 2-3 minuto.
  12. Ipalaman ito sa mga kamatis.
  13. Takpan ng aluminum foil at isalang sa oven ng mga 10 minuto.
  14. Kung mayroong tirang palaman, gilingin ito sa blender o food processor bago itabi sa freezer.