Tausi Chicken Feet

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Sangkap[baguhin]

1 kilo paa ng manok, nilinis
1 pakete kahel o dilaw na food color
½ tasa mantikang pamprito
1 kutsara dinikdik na bawang
1 kutsarita tinadtad na luya
3 kutsara tausi, dinurog
2 kutsara toyo
2 piraso siling labuyo, hiniwa
2 tasa tubig
1 bahagi sanque
1 kutsara sesame oil

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Hatiing pahilis ang mga paa ng manok.
  2. Ilagay sa mangkok at haluan ng kaunting food color.
  3. Itabi pansamantala.
  4. Magpainit ng mantika sa kawali.
  5. Ipritoang mga paa ng manok hanggang lumutong.
  6. Patuluin.
  7. Bawasan ang mantika.
  8. Sa natitirang mantika, igisa ang bawang, luya, tausi. toyo at siling labuyo.
  9. Idagdag ang tubig at sanque.
  10. Hayaang kumulo-kulo ng 5 minuto.
  11. ldagdag ang paa ng manok at sesame oil.
  12. Takpan ang kawali at lutuin hanggang lumambot ang manok at lumapot ang sarsa.
  13. Maaari din itong pasingawan sa steamer hanggang lumambot.