Taho

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

3 tasa utaw o soybeans
6 tasa tubig
7 tasa tubig
2 piraso puting gulaman

Para sa arnibal[baguhin]

3 tasa asukal
3 tasa tubig
2 tasa lutong sago

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Hugasan ang soybeans o utaw at ibabad magdamag sa tubig na tatlong beses ang dami.
  2. Palitan ang tubig at balatan ang soybeans.
  3. Sa mangkok, ilagay ang soybeans at samahan ng 6 na tasa ng tubig.
  4. Gilingin hanggang pino.
  5. Pakuluin ang 7 tasa ng tubig.
  6. Isama ang gulaman at hayaang matunaw.
  7. Ibuhos ang giniling na soybeans.
  8. Lutuin sa katamtamang apoy habang tuloy-tuloy na hinahalo.
  9. Pagkulo ay orasan nang 7 minuto.
  10. Salain sa katsa para makuha ang malagatas na sabaw.
  11. Isalin sa hulmahan.
  12. Arnibalin ang asukal.
  13. Ibuhos ang tubig at lutuin hanggang matunaw nang husto ang asukal. # Ihain ang taho na may kaunting arnibal at sago.