Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:Jessamae

Mula Wikibooks

☻Adobong Manok☻

♥Sangkap♥

♥1	kilo	manok, hiniwa sa katamtamang laki
♥⅓	tasa	suka
♥2	kutsara	dinikdik na bawang
♥1	piraso	laurel, dinurog
♥3	kutsara	toyo
♥1	kutsarita	asin pantimpla
♥1	tasa	tubig
♥1	kutsara	mantika
☻Paraan ng pagluto☻
Pagsamahin sa kaserola ang manok, suka, isang kutsara ng bawang, laurel, toyo, asin at paminta.
Pakuluin, pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot.
Kapag natuyuan ay magdagdag ng tubig.
Kapag malambot na ang manok ay alisin na ito sa sarsa.
Sa isang kawali, igisa ang natitirang bawang. Idagdag ang itinabing manok at lutuin hanggang
matusta.       
Ibuhos ang sarsa o pinaglutuan ng manok. Pakuluin.
Maari ring dagdagan ng ½ kutsarang asukal para bawasan ang asim ng suka.