Suman

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

3 Tasa Malagkit na bigas
3 Kutsarita Asin
2 Tasa Gata ng niyog
Dahon ng Niyog
panaling buri

Paraan ng paggawa[baguhin]

  1. Ibabad ang malagkit na bigas sa tubig hanggang mamaga ang mga butil nito.
  2. Hugasan ang bigas at salain. Idagdag ang asin at gata ng niyog.
  3. Lagyan ng 2/3 ng pinaghalong malagkit,asin at gata ng niyog ang tubo na gawa sa dahon ng niyog (palm tube container).
  4. Isarado ang bukas na bahagi ng tubo sa pamamagitan ng kapirasong kawayan (⅓ ng toothpick ang sukat).
  5. Itali ang suman gamit ang panaling buri.
  6. Ayusin sa isang kaserolang malalim na may tubig at ilagay ang suman.
  7. Pakuluan ang ibos ng 2 oras o hanggang sa maluto ito.