Sopa de Ajo

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

8 tasa beef consomme
2 hiwa French bread, hiniwang pakuwadrado
1 kutsara olive oil
1 tasa tinadtad na bawang
½ kutsarita Spanish paprika
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
6 pula ng itlog

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pakuluin ang consomme at ihalo ang French bread.
  2. Batihing maigi ng wire whisk para lumapot.
  3. Sa isang kawali, igisa ang bawang sa olive oil hanggang pumula.
  4. Ihalo sa consomme.
  5. Timplahan ng paprika, asin at paminta.
  6. Magsalin ng mainit na sabaw sa mga ovenproof na mangkok.
  7. Maghulog ng isang pula ng itlog sa bawat mangkok.
  8. Isalang sa mainit na oven ng 3 minuto.
  9. Ihain kaagad.