Skillet Dinner

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 kutsara mantika
1 butil dinikdik na bawang
1 tasa sibuyas ginayat na pino
3 tasa giniling na baboy
½ tasa carrot, ginayat na pino
½ tasa tubig
1 tasa kanin
1 tasa ginayat na piniritong patatas
2 kutsarita toyo
½ kutsarita asin

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Gawing mamula-mula ang bawang, sibuyas at baboy sa mantika.
  2. Idagdag ang carrot at tubig at bayaan sa malumanay na ang apoy hanggang lumambot.
  3. Idagdag ang kanin at piniriting patatas.
  4. Lagyan ng kaunting asin upang makalasa kasama ng toyo.
  5. Budburan ng parsley at ihain ng mainit.