Sinabawang Mais

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 kutsara manitika o margarina
1 buo malaking sibuyas, tinadtad
2 tasa tubig
2 buo patatas, hiniwahiwa
2 malaking tangkay celery at mga dahon, hiniwa-hiwa
1 ½ kutsara asin
2 lata cream of corn
2 tasa gatas evaporada

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantika o margarina at lutuin ang sibuyas hanggang malasado.
  2. Sa isang malaking kaldero, ilagay ang sumusunod na apat na sangkap, lutuin hanggang sa lumambot ang patatas.
  3. Idagdag ang mais at gatas, painitin unti-unti hanggang sa maging napakainit, na malimit hinahalo.
  4. Ihain na may ginayat na parsley na nakabudbod sa ibabaw.