Shrimp Egg Drop Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

10 tasa sabaw ng isda
¼ tasa cornstarch na tinunaw sa
1 tasa tubig
6 puti ng itlog
2 tasa tinadtad na hipon
1 kutsarita katas ng lemon
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
¼ kutsarita sesame oil
½ tasa tinadtad na leeks

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang kaserola, pakuluin ang sabaw ng isda.
  2. Palaputin ng tinunaw na cornstarch.
  3. Dahan-dahang ibuhos ang puti ng itlog habang hinahalong maigi.
  4. Idagdag ang hipon at katas ng lemon.
  5. Lutuin ng 10 minuto sa mahinang apoy.
  6. Timplahan.
  7. Ihalo ang sesame oil at leeks.